Kabanata 3

1.6K 32 0
                                    

"WHERE have you been?" Galit na salubong na tanong ni Erwin kay Tiara nang bumalik siya sa mesa nila.

"Hey! Hindi ba't nagpaalam naman ako sa iyo na pupunta sa restroom?" Nakataas ang kilay na wika niya.

"Nang mahigit na kalahating oras?"

"Ano naman ang masama roon? Sa may ginawa ako, eh!" Padarag na naupo siya.

"Ganoon? Nakalimutan mong may binabantayan tayo kaya ang iuna mo ay ang pagpapaganda sa restroom?"

"Aba't!"

Pikon na pikon na ang dalaga.

"Bahala ka na nga sa buhay mo! Uuwi na ako!"

Pagkawika niyon ay nagdadabog na muli niyang tumayo at humakbang patungo sa exit ng hotel.

"Tiara, wait!"

Nagmamadaling napasunod nalang si Erwin sa kanya.

Ngunit tila walang naririg ang dalaga na tuluy-tuloy palabas ng hotel.

Go to hell, Erwin Oliver! Kaya kong mag-isa ang kasong ito!

Ngayon ay wala na siyang balak na ipaalam kay Erwin ang narinig niya kanina.

Hindi niya ito isasama sa pagpunta niya pier ng Batangas sa Linggo.

HALOS walang kalatis na sabay na tumapak sa malambot na damuhan ang nga paa nina Erwin at Tiara. Pagkuwa'y animo mga pusang tinakbo nila ang distansya mula sa mataas na bakod patungo sa malaking bahay nanakapondo sa pinakagitna ng maluwang na solar na iyon.

Hindi man lang sila napansin ng anim na lalaking paroo't parito sa harapan at tagiliran ng bahay ay hindi sila napuna.

"Doon ka sa kaliwa, dito ako sa kanan. Tiyakin mong walang makakapansin sa iyo, ha?"

Paanas ni wika ni Erwin sa kanya habang inaayos nito ang mahabang lubid na may sina sa dulo.

Naroon sila sa tagilirang bahagi ng bahay.

"Opo!"

Paangil ngunit pabulong na tugon niya sabay lambitin sa dulo ng lubid na naihagis na nito sa terasang nasa ikalawang palapag ng malaking bahay.

Napailing nalang si Erwin habang nakatingala sa dalagang animo papel sa gaan at bilis ng katawan sa ginawang pag akyat sa lubid.

Bihasa talaga sa akyatan ang babaeng ito. Palibhasay aral na aral sa mga tiyuhin at pinsan. Whew! Mahirap talagang banggain ang isang ito. Baka kapag nagkamali ako ng salita ay ma flying kick pa ako.Nangingiting naglambitin na rin  ang binata sa lubid. Hindi ko pa naman siya puwedeng patulan at labanan ng manu mano.

Samantala, nakarating na si Tiara sa pasimano ng terasa. Ginamit niya ang mga mata na animo mata ng pusang nag-aninaw sa paligid.

Doon! Madaling makapasok sa pintong iyon. Muli ay patiyad na tinungo niya ang pinto sa gawing tagiliran ng bahay. Gamit ang master key na kinuha niya sa nakataling buhok, nagawa nga niyang buksan ang naka-lock na pinto.

Yes! Hindi pa rin talaga ako pumapalpak sa pagbubukas ng mga nakasara. Tuwang-tuwa na saglit na nilingon ni Tiara si Erwin na ngayon nakaakyat na rin sa pasimano ng terasa.

Pumasok ka na! Pagigil na senyas ni Erwin sa kanya.

Tse! Inirapan niya ito sabay pasok sa pinto.

Mahaba at maluwang ang may kadilimang pasilyo na bumuglaw sa paningin ni Tiara. Sa magkabilang gilid ay may mga pintong magkakatapat.

Patiyad siyang humakbang patungo sa ikatlong pinto na ayon kay Erwin ay kinaroroonan daw ng library at music room sa mansion na iyon. Muli ay ginamit niya ang dalang master key pagsapit niya sa nakasarang pinto. Muli ay nagtagumpay niyang nabuksan iyon.

Pangarap Kita by Andrea AlmonteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon