Kabanata 10

2.5K 57 5
                                    

Matagal nang tapos ang kapusukan nila, mahimbing na ring natutulog si Erwin ay gisng pa rin si Tiara. Mataman lang siyang nakatitig sa binata habang nakasandal sa headboard ng kama.

Erwin, isang salita lang mula sa iyo, mapapanatag na nang tuluyan ang kalooban ko. Pero bakit hanggang ngayon, maramot ka pa rin sa pagbikas ng mga katagang magpapahiwatig na mahal mo ako?

Nang mapasulyap siya sa cellphone ni Erwin na nakapatong sa sidetable ng kama. Nagbi-blink ang monitor niyon.

Napatingin siya kay Erwin, mahimbing pa rin ito sa pagtulog.

Labag man sa kagandahang asal, dinampot niya ang CP ng binata.

Naka-silent ang ringing niyon, pero nakalagay sa monitor na may tumatawag.

Natutukso siyang sagutin iyon, ngunit nag-aalangan pa rin siya. Hanggang mawala na ang pabi-blink niyon, naubos na siguro ang ring.

Napatitig na lang siya sa monitor niyon habang nakatitig sa nakasulat na misscall.

Ngunit mayamaya ay muli iyong nag-blink, lumabas sa monitor ang numero nang tumatawag kanina pa.

"H-hello?" Put of curiosity, pinindot niya ang receive call sa halip na gisingin si Erwin.

"Who'a this?" Mataray na tinig sa kabilang linya.

"I-ikaw, sino ka?"

"Well, ako lang naman ang girlfriend niyang si Franchesca , ang girlfriend niya. Eh, ikaw, sino ka ba at hawak mo ang cellphone niya? Where is he?"

"T-tulog siya. He can't talk to you now."

"Damn it, lady! Gisingin mo! Alam mo ba kung ano ako sa buhay niya, ha? Ako lang naman ang babaeng nagmamay-ari sa puso niya!"

Alam ko, gusto sana niyang sasabihin.

"R-really?" She've tried hard para magawang sarkastiko ang kanyang himig. "B-but now no more. W-were here, magkatabi kami sa kama, magkayakap at katatapos lang inangkin ang isa't isa." Lihim siyang napakagat-labi upang mapigil ang pagsigok. "Akin na ang puso niya, Franchesca. At siyanga pala, I know you. Ikaw ang babaeng minsan ay naglaro sa kanyang puso, hindi ba? Ang babaeng akala niya ay nagmamahal sa kanya, pero ginamit lang siya para matulungan ang mga magulang na galit sa pamilya niya, hindi ba?"

"Why you!" Halatang na-off guard ang nasa kabilang linya. "At sino ka para---"

"I've tood you, ako na ang may-ari ng kanyang puso. At hindi ako kagaya mo na sasaktan siya. Mamahalin ko siya hanggang may hininga ako." Iyon lang ini-off niya ang cellphone.

Pagkuwa'y sinulyapan niya ang mahimbing pa ring si Erwin.

Erwin, mali man ang ginawa ko, iyon lang ang alam kong paraan para guwag masyading matapakan ang pagkatao ko. Kung malalaman mo ang ginawa ko at magagalit ka sa akin, wala akong magagawa.

Pahinamad na nagbangon siya mula sa kama at nagbihis.

She needs fresh air, tila kinakapos siya sa hininga at nagsisikip ang kanyang dibdib.

O, hindi lang siya makahinga dahil sobrang sama ng loob at pag-aalala.

Nagbabalik na si Franchesca sa buhay ni Erwin, mukhang may balak itong bawiin ang dating pag-aari.. ang puso ng binata.

May laban ba siya?

Ang totoo, hindi pa rin gusto ni Tiara ang hanging nagmumula sa karagatan, kahit ang mga punong nakapaligid sa kanya, maging ang magaspang na buhangin na tinatakpan ng walang sapin niyang paa.

Pangarap Kita by Andrea AlmonteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon