Ang nasa isip ni Tiara na bahay na pagdadalhan sa kanya ni Erwin sa Lucban ay maliit at luma. Ngunit ang bahay na pinasok nila na nakatirik sa isang maluwang na solar na malayo sa kabahayan at may kalakihan.
Gawa iyon sa malalapad na kahoy, tisa ang bubong at kapis ang bintana. Sa kabuuan ay mahihinuhang gawa pa sa sinauna ang bahay na iyon bagama't halatang alaga sa renovation.
"Pasok ka," kaswal na wika ni Erwin matapos aiyang ipagbukas ng pinto.
Taas-noong humakbang papasok si Tiara. Bumungad sa kanya ang mataas na hagdan paakyat at may malalapad na baitang. Sa tabi ng pinto ay may malalaking bunga na nagsisilbing dekorasyon.
"Sinong nakatira rito?" May katarayan niyang tanong.
"Wala. Pero may caretaker ako na siyang nag-aalaga rito."
"Ha? Ibig mong sabihin ay tayo lang ang narito?"
"Oo. Bukas pa ng umaga ang dating ni Mang Jose para maglinis dito. Anyway, malapit lang naman tayo sa kabayanan kaya madaling makabili ng mga pagkain at iba pa nating kakailanganin. Kumain na naman tayo ng lunch, puwedeng mamayang gabi na pang tayo gumising."
"Pero---"
"Halika na sa itaas. Magpahinga na muna tayo para makabawi sa puyat kagabi."
Naamdaman niya ang paghawak nito sa siko niya ngunit hindi na lang siya kumibo. Gayunpaman, lihim siyang nakikiramdam. Kay-init naman kasi ng palad ng binata.
"Kumain ka na," pormal na mukhang wika ni Erwin na inabutan niyang naghahain sa mahabang mesa yari sa narra.
"Anong oras na ba?" Kaswal na tanong ni Tiara na pinilit na ignorahin ang cold treatment nito.
"7:00 PM na. Sige dulog ka na." Pagkawika niyon ay napauna na naupo si Erwin sa silyang nasa dulo ng mesa.
Naiiling na naupo na rin si Tiara sa silyang malapit dito.
"Ikaw ba nag nagluto nito?"
"Oo," tipid na tugon ng binata sabay dampot sa bandehadong may lamang menudo.
"O." Saka inilapit sa kanya. Lihim na tumaas ang kilay niya bagama't pinili niyang huwag na lang kumibo.
"Thanks."
Ilang sandali pa, tahimik na silang kumakain.
Pero si Tiara ang hindi makatagal sa ganoong sitwasyon. Hindi siya sanay na hindi kinakausap ng kasalo sa pagkain.
Hmp! The nerve! Ano kaya ang ipinagmamalaki nito? O, gusto lang niyang patunayan na deadma talaga siya sa beauty ko? Iyong pakiramdam na iniinsulto siya ay damang-dama niya.
No! Oo nga't wala akong time sa mga guys, pero iba ang isang ito. Hindi ko matanggap na ganito ang trato sa akin ng isang guwapong lalaki na tila ba hindi ako babae.
"Ah, Erwin,"
"Yes?" Kunot-noong sumulyap ito sa kanya.
"Can I ask you a personal question?"
Lalong kumunot ang noo ng binata.
"Anong klaseng personal?" Wala pa ring kangiti-ngiti ang binata na muling ibinaling ang pansin sa kinakain.
Samantala ay may naglalarong kapilyahanmsa utak ng dalaga.
"How old are you?"
Muling natigilan si Erwin sabay sulyap sa kanya.

BINABASA MO ANG
Pangarap Kita by Andrea Almonte
AksiSi Tiara ay isang tala na gusto sanang maabot ni Erwin, pero panano ba abutin ang talang kasingsupladang magandang dalaga? Defense -mechanism na lang ng binata ang ginawa nitong pagsusuplado sa mataray na pinsan ng kanyang kaibigan nang magkasama na...