Kabanata 5

1.6K 30 0
                                    

BUHAT sa loob ng kanyang kotse ay tanaw na tanaw ni Tiara ang mga malalaking lalaking nakatayo sa may pantalan. At kahit malayo, nakikita niya mula sa binocular niya na uri ng baril ang hawak ng mga ito.

Shit! Imposibleng mga militar sila.  At hayun si Don Melvin sa kanyang sasakyan. God! Dapat yata ay ipinaalam ko kay Erwin ang bagay na ito ah.

Kahit paano, gusto niyang pagsisihan kung bakit inilihim niya sa binata ang kanyang natuklasan .

Ilang sandali pa ang lumipas, mayamaya pa ay nasilip niya sa binocular na nakatuwaang nag lundangan sa tuwa ang mga lalaki. Kasunod niyon ay natanaw niya ang papadaong sa isang yate sa pantalan.

Iyon na yata ang hinihintay nila ah!

Bahagya pa siyang napapitlag nung tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa upuan sa tabi niya .

Si Erwin!

Bagulat pa siya nang mabasa sa caller ID niyon ang pangalan ng binata.

Muling tumunog ang cellphone. Nag iisip pa rin siya kung sasagutin iyon o ano?

"Hello?

Pinilit niyang papausin ang tinig upang akalain nito na bagong gising siya.

"Tiara?"

Bahaga siyang nailayo sa tainga dahil sa may kalakasang tinig ng binata mula sa kabilang linya.

"O, Erwin, what's up?" Pero hindi siya nagpahalata.

"What's up?" Gagad nito sa kanya. "Where are you?"

"H-ha?" Na off guard siya. "N-narito sa kuwarto ko."

"Liar!" Lalong nagalit ang tinig nito. "Galing ako sa condo unit mo, walang tao roon maliban sa katulong mo. Kaninang hapon ka pa raw umalis. Nasaan ka?"

Tumaas-baba ang kilay ng dalaga.

Hey! Bakit ganoon ang tono niya? Para siyang asawa na nagche-check kung nasaan ako? Parang gusto niyang kiligin.

"I know where you are, Tiara. Alam mo na pala kung kailan ang dating ng shipment ni Don Melvin, hindi mo man lang sinabi!"

"H-ha?" Lalo siyang hindi nakakibo.

"How could you, Tiara! Anong ibig sabihin niyan, ha? Gustong magsolo ng lakad? Bakit, paa masolo mo ang kredito?"

Gusto nang mag-react ni Tiara, gusto niyang magalit, o kaya naman ay nangatwiran dito. Pero natigilan siya nang makitang nakadaong na sa pantalan ang yateng hinihintay ng mga tauhan ni Don Melvin.

"Saka na tayo mag-usap, Erwin. I can explain it to you later."

"Hey! Don't hang up! Just tell me where you are, okay?"

"No! Nagmamadali ako. Tatawag na lang ako sa'yo."

"Wait! Pupuntahan kita at---"

Ngunit tuluyan nang ini-off ni Tiara ang kanyang cellphone.

Suot ang over-all leather na damit, lumabas ng kanyang kotse si Tiara. Pakubli-kubli sa malalahong halaman na nagawa niyang makalapit kahit na paano sa grupo.

"Kapag naisalya na natin ang mga kontrabandong iyan, lalong magiging bigtime ang grupo natin, Morgan. Lalo tayong maging untouchable. Lalo silang mahihirapan na ma-trace kung saan talaga si Don Antonio Sobredad." Saka humalakhak ang lalaki.

Nasiguro ni Tiara na nai-record niya sa dalang maliit na video cam ang eksenang iyon at ang sinabi nito.

Baka puwede na itong ebidensya. Naghintay pa siya ng mga susunod na pangyayari.

Pangarap Kita by Andrea AlmonteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon