Kabanata 7

1.6K 27 0
                                    

It's been wonderful being with him. Iyon ang natiyak ni Tiara sa ilang araw na nagdaan na magkasama sila ni Erwin sa malaking bahay na iyon.

Nag-uunahan sila sa paggising sa umaga para magluto ng kanilang agahan, o kaya naman ay nagkakasabay sila sa paglabas sa kani-kanilang silid.

"Hi, good morning!" Nakangiting wika ni Erwin.

"Hi! Talagang ayaw mong magpahuli ng gising, ha?" Malambing na wika ni Tiara.

Ang masilayan ito sa pagmulat ng kanyang mga mata sa umaga pa lang ay malaki ng kasiyahan para sa kanya. At ewan niya kung bakit?

She's just palying with him, gusto lang niya patunayan na matatanggal niya ang pagiging suplado at aloof ni Erwin by being friendly with him, pero sa malas, siya ang unti-unting nawawala ang pagkasuplada.

"Siyempre naman. Gusto ko kasing ako ang magpe-prepare ng breakfast natin." Humakbang pasalubong  kay Tiara si Erwin.

"Eh, ikaw, hindi ka rin naman magpapahuli ng gising, ah." Nakangiti pang wika nito.

"Kasi po, ayoko naman na masabi mong kababae kong tao, wala akong alam sa kusina." Bahagya siyang nag-iwas ng tingin dito sabay hakbang patungo sa kusina.

"Wala 'yon. Alam mo, mas gusyo ko 'yong ako ang nagsisilbi sa babae." Humakbang rin ito pasunod sa kanya.

Lihim naman siyang natigilan upang saglit na limitin ang sinabi nito.

Gusto ko 'yong ako ang nagsisilbi sa babae.

Parang gusto niyang kiligin.

Ganoon din ba ang ginagawa niya sa nobya niya noon? Bigla niyang naisip.

"Kapag umuwi ng kid sister ko from Australia, I'll see to it na okay ang bakasyon niya rito sa Pilipinas. Kaya naman kapag naroon siya sa condo ko, hah! Tumataba siya kakakain."

Madilim ang mukhang nilingon niya ang binata.

"What? You mean to say, gusto mo akong tumaba kaya ka nakikipag-unahan sa akin sa paggising? That way, makapagluluto ka ng masarap para ganahan akong kumain?"

"Hey! Hindi naman sa ganoon!" Natatawang itinaas nito ang dalawang kamay. "I just want to please you that's all." Saka naging matiim ang titig nito sa kanya.

Natigilan naman si Tiara at hindi rin nagawang magbawi ng tingin dito. Ilang sandali silang nanatiling nakatayo sa tapat ng pinto ng kusina, magkalapat ang mga mata halos magkadikit na ang mga katawan.

Damang-dama ni Tiara ang init na nagmumula sa katawan ni Erwin. Langhap din niya ang mabangong hininga nito pati na ang mabangong cologne na gamit nito.

"Tiara..." mayamaya ay bigkas nito sa kanyang pangalan.

"E-Erwin..." At kahit ayaw niya, nabulo ang kanyang dila.

Naramdaman niya ang unti-unting paglapit ng katawan nito sa katawan niya. Natiyak niyang paliit nang paliit ang distansiya ng mga mukha nila dahil mas langhap na langhap na niya ang mabangong hininga nito.

At iyong urge na gustong mapapikit ng kanyang mga mata ay damang-dama niya. Bigla rin ang kudlit ng mga guni-guni sa kanyang balintataw... magkalapat daw ang mga labi nila, magkayakap ang mga katawan...

"So, ikaw na ba ang magluluto, o ako na?" biglang tanong nito.

Napakurap si Tiara. Walang pangalawang kahungkagan ang kanyang nadama.

Bakit pa kasi bigla niyang naisip na hahalikan siya ni Erwin?

"A-ako na lang. K-kung gusto mo, tulungan mo na lang ako." Mabilis siyang tumalikod dito at humakbang patungo sa ref.

Pangarap Kita by Andrea AlmonteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon