Kabanata 8

1.6K 30 0
                                    

"Tiara..."

Natigilan siya sa gagawin sanang pagsasara ng pinto ng kanyang silid.

"B-bakit?" Hindi lumilingon dito na tanong niya.

Walang sagot mula kay Erwin.

Napabuntong-hininga na lang siya at naiinis na muli itong nilingon.

"So, what is this time, ha?" Iritadong tanong niya. Pero muli siyang natigilan.

How come na hindi niya naramdamang nakalapit na pala uli sa kanya si Erwin.

"E-Erwin!" Napasinghap siya nang maramdamang halos ay wala ng pagitan ang mga katawan nila. Lalo pa nang muli nitong hapitin ang kanyang baywang.

"Gusto pa kitang halikan, Tiara," namumungay ang mga matang wika nito habang namamasyal sa kanyang mukha ang paningin. "Gustong pa kitang mayakap."

"Erwin!"

"At gusto kitang angkinin!" Pagkawika niyon, muling itinawid ng binata ang pagitan ng mukha nila upang maglapat ang kanilang mga labi.

Oh God! Tanging sambit ng kanyang utak habang nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa bilog ng buwan.

It was a rough kiss, hindi kagaya ng halik nito kanina na banayad lang at tila nakikimi. Ngayon ay tila madudurog na ang kanyang mga labi dahil sa mapusok na pananalakay ng mga labi nito. But itwas sweet, so tender, iyon din ang pakiwari niya.

Hanggang ang halik na iyon, wala silang pakialam kung halos mapugto na ang mga hininga nila. Wala silang pakialam kung unti-unting nang nagtago ang buwan sa makapal na ulap.

Mayamaya ay naghiwalay ang mga labi nila.

"E-Erwin..." mamasyal ang kanyang paningin sa kabuuan ng mukha nito.

"Tiara..." Ngumiti ang binata, pagkuwa'y tumaas ang kamay nito upang haplusin ang kanyang pisngi. "This is a dream come true, alam mo ba 'yon?"

"H-ha?" Napaawang ang kanyang bibig.

"Mula noon, hanggang ngayon,pangarap kita, Tiara. Akala ko, hindi na mangyayari ang ganito. Ang mayakap ka, ang maangkin ang labi mo."

"E-Erwin..." Nag-uumapaw sa kaligayahan ang kanyang puso.

"Akala ko---"

Malakas na putok ng baril ang pumutol sa mamahikang sandali na iyon.

"Ano 'yon?" Napayakap siya rito.

"I don't know! Pero mukhang galing sa ibaba!" Napatakbo ito sa pasimano ng terasa at sumilip sa ibaba.

Nagtakbuhan kung saan-saang direksiyon ang mga security men na nakatalaga sa ibaba. Kumikislap ang dulo ng mga baril na hawak ng mga ito. Nakatuon sa mga lalaking nakatuntong sa mataas nilang pader. Ang iba ay nakatalon dahil sa solar nila.

Pero lahat ng mga ito ay pawang de-baril at lumalaban nang sabayan sa mga tauhan nila.

"E-Erwin, pinasok nila ang bahay namin!"

"Yeah. Halika na sa silid mo!"

"Ha!" Napasunod na lang siya nang hilahin nito papasok sa kanyang silid.

"Stay here, okay?"

"Ano? At saan ka pupunta?" Histerical na tanong ni Tiara.

"Sa ibaba. Siguradong ikaw ang sadya nila. Tutulungan ko ang mga tauhan ninyo sa---"

Pangarap Kita by Andrea AlmonteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon