Chapter 1
Regina
Cring! Cring!
Malakas na tunog ng school bell indikasyon na lunch break na. Matapos makalabas ng aming teacher ay kanya-kanyang halikwatan na ang mga kaklase kong babae sa kanilang bag para kunin ang pulbo, lipstick at make up para mag-retouch.
Habang ako? Matapos kung ayusin ang aking gamit, agad na akong umalis ng room. Hindi kasi kagaya ng mga kaklase kong babae, wala akong pake sa itsura ko. Tsaka, hindi ako pa-famous at pahanga para mag-retouch pa para maipahili ang aking ganda. Meron akong natural beauty, although ako lang yata ang nakaka-alam. Hehe.
Nagtungo ako sa malaking puno ng akasya malapit sa aming garden sa likod ng school building. Parati kasi ako ditong kumakain. Masarap na ang simoy ng hangin, wala pang mga esturbong tao. Payapa at dama ko ang kalikasan.
Inilabas ko na ang aking baunan na naglalaman ng aking tanghalian. Nagbabaon kasi ako kasi ayaw kong makipagsiksikan sa mga tao sa cafeteria.
Magsisimula na sana akong kumain ng may marinig akong tila isang komosyon. May mga yabag akong narinig at kasabay nito ang pagdating ng limang estudyante.
Kilala ko 'yung apat. Sila ang infamous, tittle holder ng "The most recent visitor of guidance office". Kung nasaan sila, nandoon ang gulo. Sila ang kinatatakutan at siga ng school... sila ang tipical na badboys.
Mukhang may gulong mangyayari. Pero kahit ganoon, hindi naman 'to isang nobela. Kahit tumulong ako, baka ako pa masaktan. Mas maganda na tumahimik nalang ako sa isang tabi at magkunwaring non-existent.
At kagaya ng inaasahan ko, hinawakan ni Kent, 'yung isang lalake. Habang sina Joshua, Leo at Jace ay nasa likod niya at masama ang tingin sa lalakeng kinukuwelyuhan ni Kent.
"Oh? Ngayon, sabihin mo sa amin, sino nag-utos sayo?" Inis at pasigaw na tanong ni Kent sa lalake. Ang ekspresyon ng lalake simula kanina ay kinakabahan at takot. Subalit ng sabihin ni Kent ang tanong niya, biglang ngumiti ang lalake.
Ang kaninang kaba at takot sa mukha niya ay nawala at napalitan ng nakakainis na ngiti. Tinabig niya ang kamay ni Kent at nakawala sa kapit nito.
"Sa tingin niyo ba talaga natatakot ako sa inyo?" Natatawang sabi ng lalake. Bakas sa boses niya ang pang-aasar.
Anong nangyayari? Siguradong mabubugbog ang lalake na 'to! Lalo na't wala sa itsura niya ang pagiging basagulero. Mukha kasi siyang... maamo.
Tulad ng inaasahan, nainis si Kent. "Anong sinasabi mo?" Mayabang na saad rin niya. "Na kaya mo ako? Kami? Bakit may mga kasama ka pa ba? Kasali ka sa isang gang? Akala mo malakas ka?"
"Hahahahaha!" Sabay-sabay na mapang-asar na tumawa ang tatlo na nasa likod ni Kent. "Hahahahaha--" subalit naputol ang tawanan nila dahil tumawa rin 'yung lalake.
"Haha," Tawa niya. "Nagkakamali ka boy. Wala akong kasama. Mag-isa lang ako at hindi ako kasali sa ano mang gang o institusyon. Pero, alam niyo?" Tiningnan niya isa-isa ang four bad boys at ngumisi. Tila wala siyang takot at mayabang na sinabing, "Ako lang sapat na para iligpit ang mga kalat na katulad niyo."
"Aba? Anyabang mong loko k--" Hindi na nakapagpigil si Kent at sumugod na dahil sa galit. Sabagay sino ba namang hindi maaasar sa sinabi ng lalakeng 'yun. Susuntukin na sana ni Kent sa mukha 'yung lalake subalit bago pa tumama ang suntok niya, nakailag na ang lalake at nakasuntok narin sa tiyan niya.
Medyo mabilis ang mga pangyayari at hindi inaasahan nina Joshua na lalaban ang lalake kaya't hindi agad sila nakapag-react at ng matauhan na sila, nakahiga na sa sahig si Kent. May dugo sa bibig at namimilipit hawak ang tiyan niya sa sakit.
"..." Nagulat at hindi makapagsalita ang tatlo. Hindi sila makapaniwalang may nakapagpatumba sa leader nila.
"KENT!!!" Sigaw ni Leo at tumakbo papunta kay Kent. "Gago ka ah!" Sigaw naman ni Joshua at sumugod sa lalakeng hindi nawawala sa mukha ang ngiti.
Sumuntok si Joshua subalit nailagan ito ng lalake. "Eh?" Pang-asar pa ng lalake na lalong ikinagalit ni Joshua. Sumipa si Joshua subalit nasalag ito ng lalake at nakaganti sa kanya ng suntok sa sikmura na may kasunod na suntok sa kaliwang mata niya.
Balak sanang mag-sneak attack ni Jace habang inaatake ng lalake si Joshua at sa likod nito pumunta para atakihin subalit papalapit palang siya ay sumipa 'yung lalake patalikod. Dahil sa hindi ito inaasahan, hindi nakailag si Jace at tinamaan sa hita. Agad siyang napa-aray na lalong nagpalaki ng ngiti ng lalake.
Napaluhod si Jace, hawak ang tuhod niya at nagrereklamo ng sakit. Hindi naman ito pinalagpas pa ng lalake at sinipa sa tiyan ang nakaluhod na si Jace at sinundan ng isang suntok. Napabulagta si Jace at hindi na siya pinansin ng lalake, sa halip, tumingin ito kay Leo na masama ang tingin sa kanya.
"Ano lalaban ka?" Mayabang at mapang-hamon na saad ng lalake.
Kitang-kita ang galit sa mata ni Leo at kung nakamamatay lang ang tingin, di lang double but triple dead na ang lalakeng 'yun. Subalit sa huli, suminghal si Leo tinulungan makatayo si Kent at iba pa niyang mga kasama at umalis ng bahag ang buntot.Medyo hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang 4 bad boys ng school... nabugbog ng isang tao lang?
Medyo nakabuka ang bibig ko at tulala parin ng biglang lumingon sa dereksyon ko ang lalake. Nakangiti ito na parang maamong tupa."Did the show entertained you?" Nakangiting saad niya.
"I..." Nagulat ako at agad na nagtago sa may likod ng puno. Patay! Nakita ko ang isang insidenteng di ko dapat makita. Pano kung pati ako idamay niya?
Medyo kinakabahan na ako, agad kong pinulot ang aking bag at inilagay sa loob ang dapat sanay kakaining kong lunch. Handa na akong tumakbo ano mang oras. Subalit, wala akong narinig na yabag.
Sumilip ako sa may pwesto ng lalake subalit wala na siya. Lumabas ako sa may puno at nakahinga ng malalim. "Hays..."
"Hello M---" Biglang lumabas sa kabila ng puno ang lalake at nagulat ako. As in gulat na gulat na pati 'yung bag ko ay naihampas ko sa kanya.
Medyo nagulat rin siya at hindi inaasahan ang ginawa ko kaya't ayon, sapul siya. Sakto sa mukha.
---END---
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionMapaglaro ang kapalaran. 'Yung taong di mo inaasahang mamahalin mo, bigla mo nalang kakaadikan. Ewan. Ang hirap hulaan ng mga susunod na pangyayari. Ang daming twist and turns. Na pati 'yung isang stranger, magiging forever mo. Hays. Hirap talaga. ...