Chapter 8

25 4 1
                                    

Chapter 8

Regina

Matapos ang aming lunch, sabay kaming bumalik ni Sven sa room. Habang nasa daan kami ay tuloy parin ang aming pagkwentuhan at asaran. Maya't maya ang tawa ko dahil sa mga corny niyang jokes, hugot at pick up lines. Ang sarap lang  kasama ni Sven, hindi ka mabo-bored. Joker siya at tsaka masarap kausap.

Ng malapit na kami sa room, bigla siyang nagpaalam na may pupuntahan lang tapos umalis na. Hula ko mag-skip class nanaman 'yun kagaya ng ginawa niya kaninang umaga... teka? Sabi niya siya ang nagluto ng mga 'yun... Di kaya... baka kaya siya nag-skip class ay para magawa 'yun!

Hindi ko alam pero ng maisip ko 'yun ay medyo kinilig ako. Ano ba!

Pagkapasok ko sa classroom ay kagaya ng dati, maingay at maraming naglalandian. Pero noong pumasok ako, biglang nanahimik ang buong room at lahat ng mata ay nakatutok sa akin.

Anyare? May ginawa ba akong masama?

Medyo na-concious ako kaya't binilisan ko ang aking paglalakad patungo sa aking usual seat. Then, nagulat ako sa mga nakalagay doon, isang malaking pink teddy bear na may red ribbon pa. Tapos may pink na maliit na sobre ang nakaipit sa teddy bear.

Kaagad ko 'yung kinuha at binasa.

"I hope nagustuhan mo. -S.A."

Napangiti nalang ako ng mabasa ko 'yung sulat at pumasok sa isip ko 'yung mukha ni Sven habang nakangiti siya ng nakakaloko. Itinabi ko 'yung sulat tsaka 'yung teddy bear ay inabot ko at inamoy. Ang bango tsaka ang lambot! Ang sarap yakapin.

Hinihintay ko na dumating si Sven para mag-thank you pero hanggang last class namin ng hapon na 'yun, hindi na siya pumasok. Hindi ko tuloy alam kung bakit bigla akong nainis.

Ng uwian ay agad na akong umuwi. Subalit may isang lalake ang nag-aantay sa labas. Malapad ang ngiti niya sa akin. "Hi!" Sabi niya.

"Hello?" Alangang bati ko pabalik. Hindi ko kasi siya kilala.

"Ako nga pala si Seon, nice to meet you ate. May pinapasabi lang si Kuya Sven." 

"Huh? Pinapasabi?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at may ngiting gumuhit sa aking mukha.

"Yup. Sabi niya, hinihintay ka niya sa garden, sa usual place niyo. Hindi niya sinabi kung bakit pero sabi niya pumunta ka raw doon as soon as you can." Pagkasabi ni Seon ay tatalikod na siya pero pinigilan ko siya at nag sabi ng thanks.

Matapos 'yun ay nagmadali akong pumunta roon. Nasa third floor ang room namin so kailangan kong bumaba ng hagdanan. Ng malapit na ako sa may puno ng aksaya, isang liko nalang, may tatlong babae ang humarang sa akin.

Akala ko ng una pakana pa 'to ni Sven pero base sa mga expression nila, hindi maganda ang hatid nilang balita.

Walang ano-ano ay hinawakan ng dalawa ang tigkabilang kamay ko at ang isa ay tinakpan ang aking bibig para hindi ako makapagsalita.

Tapos biglang lumitaw si Elizabeth kasama ang mga alipores niya. Malaki ang ngiti ng Queen bee habang masama ang tingin sa akin.

"Oh malandi? Nagkita nanaman tayo?" Sarkastikong sabi ni Elizabeth at lumapit sa akin. "Akala mo ba, pababayaan ko nalang 'yung sinabi mo sa akin kanina? Tsaka 'yung panlalandi mo sa boyfriends ko?"

Nanlaki ang mga mata ko ng narinig ko 'yung sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o mainis. Boyfriends daw niya eh? Di more than one. So malandi nga. Tsaka teka, wala naman akong nilalandi! Lalong hindi ang boyfriends niya!

"Hay naku! Fame whore kasi." Saad naman ng isa sa mga alipores ni Elizabeth, siya 'yung kaklase ko, ano nga ba pangalan niya? Ah!? Nika!

Tiningnan ko siya ng masama. Hindi ako fame whore baka kayo 'yun! Gusto kong lumaban pabalik subalit wala akong magawa. May takip kasi ang bibig ko tsaka may naka hawak pa sa akin. 

"Tama ka Nika. Kaya dapat ang ginagawa sa mga kagaya niya...tinuturuan ng leksyon! Ready girls?" Sabay-sabay na bumwelo ang mga alipores--kasama ang queen bee--itinaas nila ang mga kamay nila at sasampalin na ako.

"Do that and your dead."

Isang cold na boses ang aming narinig. Dahilan para mapahinto ang gagawin nila Elizabeth with her alipores. Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na nanggaling sa likod nila.

When we saw who said that, we froze. Yeah. Kasama ako.

Lumapit siya sa amin habang masama ang tingin kila Elizabeth and her alipores. Habang nakanganga naman ang mga ito at hindi makagalaw. Bakas sa mukha nila ang takot at pagkabigla.

"Let her go." Cold na sabi pa niya. Kasabay nito ang mabilis na pagbitaw ng mga nakahawak sa akin. Pagkatapos noon ay lumapit siya sa akin habang nakatingin parin ng masama kila Elizabeth.

"Didn't I already warned you?" Cold na tanong niya na may halong pagbabanta. "I didn't do anything to you coz' I respect you as a girl. Pero you leave me no choic--"

"Bakit? Bakit ba siya? Bakit ba siya kinakampihan mo?" Nanginginig na sigaw ni Elizabeth. May luhang nangingilid sa mga mata niya.

"Hindi mo ba nakikita na malandi ang babaeng 'yan!"

*Pak!

Isang malakas at malutong na sampal ang lumapat sa mukha ni Elizabeth.

"I did respect you because you are a girl. But when you cross my bottomline, you have to face the consequences..."

Isang malamig na boses ang bumasag sa katahimikan at nakakatakot ang aura na pumapalibot sa kanya. Na kahit ako ay natatakot.

Pero bakit? Bakit niya 'to ginagawa?

Ito na ang pangalawang beses na iniligtas niya ako.

"Kent! Hindi ko maintindihan! Bakit? Bakit hindi nalang ako?" Hysterical na sigaw ni Elizabeth. Kung titingnan mo siya ngayon, maawa ka nalang.

"Kent... Bakit ginagawa mo 'to?" Naguguluhang bulong ko. Sapat lang para marinig niya.

Humarap siya sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang balikat ko at tumingin sa mga mata ko ng deretsyo.

"Kasi Regina... mahal kita." Nakangiti parin siya pero may mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya. "Kaya trabaho kong protektahan ka sa lahat ng oras kahit hindi mo ako kilala. Kasi ayos na sa akin 'yun, basta makita kitang masaya kahit na sa piling ng iba."

---END---

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon