Chapter 10

33 0 0
                                    

Chapter 10

Regina

Just like any other day, naglalakad na ako papunta sa room namin. Tahimik lang ako at medyo inaantok pa sapagkat kulang ang tulog ko kagabi.

Pagkapasok ko sa room, agad na pumatak sa akin ang mga mata ng kaklase ko. Agad kong binilisan ang aking lakad.

Hindi padin talaga ako sanay sa atensyong nakukuha ko ngayon.
Pagkaupong-pagkaupo ko, isang boses ang aking narinig.

"Hi babe."

This long day would start now.

Lumingon ako sa likod sapagkat doon nanggaling ang boses ni Sven. Subalit paglingon ko, agad na bumungad sa akin ang mukha niya at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Eew! Pervert. Bastos! Manyak." Galit na sabi ko at agad na itinulak siya palayo habang tinitignan siya nang masama sublit mukhang walang epekto sapagkat tumawa lang siya at nagkibit balikat.

"Umagang-umaga ang sigla na agad ng babe ko ah!"

"Manyak." Inis na sabi ko at hindi nalang siya pinansin.

Umupo narin siya sa upuan niya at sakto naman na dumatin na ang first subject teacher namin. Buong umaga ay hindi ko siya nilingon o pinansin. Focus lang ako sa tinuturo ni ma'am. Kahit na ilang beses ko ng gustong sapakin 'tong katabi ko, hindi ko ginagawa.

Ang kulet kasi niya, ang ingay, dada ng dada at kung ano anong naiisipang gawin para inisin ako.

Pag-ring ng bell, lunch, agad akong lumabas ng classroom at pumunta sa cafeteria. Good thing di sumunod si Sven sa akin. Pumunta ako sa cafeteria for two reasons, kasi wala akong dalang pagkain at pangalawa, pag doon ako pumunta siguradong susulpot doon si Sven.

Pagkadating ko sa pinto palang ng cafeteria, napabuntong hininga nalang ako, ang daming tao. Pero wala akong magagawa. Nagugutom na ako eh.

"Kaya ko 'to." Pumila na ako habang nananalangin na sana ay hindi 'yung matandang babae dati ang tindera.

Kaso, mukhang talagang minamalas ako. Siya ang tindera. Pero nabigka ako sapagakat, magalang siya sa akin. Hindi ko nalang 'yun pinansin.

Ng makuha ko na ang pagkain ko, napabuntong hininga nanaman ako. Kung mahirap at matagal pumila para makabili, mas mahirap humanap ng table na kakainan mo.

Habang tinitignan ko ang paligid para sa pwesto, nakakita ako ng bakanteng spot. Lumakad ako papunta roon at napangiti. Hindi lang siya bakante, maganda pa ang pwesto malapit sa bintana which is good kasi nakakapasok ang hangin dahil napakainit dito.

Pagkaupo ko, no, paglapit ko palang sa pwesto na 'to pinagtitinginan na ako. I don't understand them though so hindi ko nalang pinansin at umupo tsaka nagsimulang kumain.

Nasa gitna na ako ng pagkain ng biglang tumahimik ang cafeteria. Focus ako sa pagkain kaya hindi ko alam kung bakit tsaka ang ingay talaga kanina ng cafeteria tapos biglang tumahimik na tila ba ay walang tao... Anyare?

Tumingin ako sa paligid ko para malaman kung bakit ng mapansin ko na may lalakeng nakatayo sa harap ko.

Nakangiti siya. "Bonjour, Regina."

Nagtama ang tingin naming dalawa at natulala ako sa mukha niya. Ngayon ko lang narealise na gwapo pala talaga si Kent.

"H-hi Kent." Bakit ako nauutal? Anong nangyayari sa akin?

"Pwede ba akong umupo sa tabi mo?"

"S-sure." Sabi ko at umipod.

"Thanks."

Umupo siya sa tabi ko habang hindi ko siya nilingon, ewan pero, naiilang ako.

Nag-focus lang ako sa pagkain.

"Regina." Hindi ko alam kung bakit pero ng marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko gamit ang kaniyang husky na boses, something seemed to flicker inside my heart.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What is happening to me really? Hindi naman talaga ako nagkakaganito dati.

Hindi ako umimik, o mas magandang sabihin na hindi ako makaimik dahil sa kaba. Bakit kaya?

"I... Just wanna ask. Wala ba talagang namamagitan sa inyong dalawa ni Sven?"

Sven... Nanaman?

Agad akong umiling. "Definetly none."

Ngumiti siya at tumawa. Kumunot ang noo ko. "Anong nakakatawa?"

He pinched my nose. "Wala. Ang cute mo kasi."

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at out of instinct, agad kong inalis ang kamay niya.

"Don't joke arround." Tinignan ko siya ng masama.

"I'm telling the truth. Look, your even blushing now!" Kinuha niya ang phone niya and he took a picture of me real quick.

"Hey? Anong ginawa mo! Burahin mo 'yun!" Sinubukan kong agawin ang phone niya pero hindi ko makuha.

"Easy. Baka matapon ang pagkain mo." Agad akong huminto sa pagkuha at tinignan siya ng masama.

"Burahin mo na kasi 'yan!"

"I will. In one condition." Tinaasan ko siya ng kilay. "You have to promise a date with me."

---END---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon