Chapter 3
Regina
"T-teka nga!" Sabi ko at hinugot ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. "Bakit mo ginawa 'yun? Nababaliw ka na ba?"
Pagkatapos niya akong hilahin palabas ng classroom, andito na kami ngayon sa may puno ng akasya malapit sa garden.
Nakatingin lang siya sa akin at nakangisi. "You're right..." Saad niya at humakbang papalapit sa akin at napaatras naman ako hanggang sa nakasandal na ako sa puno ng akasya at hindi na makatakas pa.
Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa may taas ng balikat ko, ito nanaman. Malapit nanaman kami sa isa't isa...
"A-anong gagawin mo?" Medyo kabadong sabi ko habang ang bilis ng tibok ng puso ko. Daig ko pa ang tumakbo. Ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko all the way to my ears.
Habang siya, kalmado lang at tila ini-enjoy pa ang lahat, hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang ngiti niyang nakakaloko.
"I'm really crazy..." He chuckled. Tapos tumingin siya ng deretsyo sa mata ko, all the way to my soul. Medyo hindi ako makahinga, his nearness makes crazy. Inilapit niya 'yung mukha niya sa akin. Gusto kong pumiglas pero hindi ako makagalaw.
"Crazy for you." He said in a husky voice that sent shivers throughout my body. Napapikit nalang ako at handa na sa mangyayari ng...
"I love it when you just don't care,
I love it when you dance like there's nobody there.
So when it gets hard don't be afraid,
We don't care what the people say..."
Biglang nag-ring 'yung phone niya at nag-play 'yung ring tone. Dahilan para magising ako mula sa aking pagpapakatanga!
Lalapat na sana 'yung labi niya sa labi ko ng itinulak ko siya. "Bastos! Manyak! Pervert!" Sigaw ko sa kanya tsaka ko siya sinampal at tumakbo paalis.
Ang manyak ng lalakeng 'yun. Kung hindi ako nakakilos siguradong nakuha niya ang first kiss ko. Argh! Nakakainis.
Dumeretsyo muna ako sa cafeteria kasi hindi pa ako pwedeng pumunta room. Hindi pa tapos ang klase ni Sir. Muldon pagbumalik ako doon, siguradong lagot ako... all thanks to that perverted bastard!
Pumunta ako sa may counter. Sakto kasi hindi pa ako kumakain. Kakain muna ako kasi matagal pa naman bago ang next period namin. Nag-order ako ng pasta at tsaka juice.
Inilagay na sa tray ang binili ko at kinuha ko na sa bag ko 'yung aking wallet. Teka... bag? Asan 'yung bag ko? Bigla akong napa-OMG! Nasa room ang bag ko!
Bigla akong kinabahan. Pano ako nito magbabayad? Tumingin ako sa cashier na isang matandang babae. Sana payagan niya ako na babayaran ko nalang mamaya.
"Ah... ate. Naiwan ko kasi sa room 'yung bag ko, nandoon 'yung wallet ko--" Hindi pa ako tapos magsalita ng umimik si ate. Iniwawagayway pa niya ang kaliwang kamay niya at masama ang tingin sa akin.
"Naku! Naku! Laos na ang palusot mong 'yan ineng. Kung wala kang pera di sabihin mo nalang. Hay naku. Pulubi nga naman..."
Medyo nainis ako sa huling sinabi niya. Ang yabang niya huh! Tawagin ba naman akong pulubi. Tss. Porket naiwan ko wallet ko eh. Medyo kumukulo na ang dugo ko at balak ko ng barahin ng pabalang 'yung mayabang na babae ng may nagsalita.
Boses palang... kilala ko na. Kaya't medyo nairita ako. Tiningnan ko siya at nakangiti siya sa akin gamit ang ngiti niyang nakakaloko.
"Hi babe!" Bungad niya. Natulala 'yung mayabang na tindera. Matapos tumingin sa akin 'yung lalake ay tumingin naman siya sa tindera. "Magkano ba ang nakuha ng girlfriend ko?"
"F-fifty six lahat-lahat." Medyo kabadong sabi ng tindera.
"Ganon ba?" Nakangiting sabi ng lalake at dumukot sa bulsa niya at kumuha ng wallet. Tapos kumuha siya doon ng 1000 pesos. "Ito oh." Iniabot niya sa tindera 'yung bayad.
"W-wala po ba kayong barya?" Tanong ng babae.
"Hmm? Keep the changed." Saad niya at ngumiti sa akin. "Tara na babe."
Kinuha niya 'yung tray na naglalaman ng pagkain ko gamit ang isang kamay at sa isang kamay niya ay hinila niya 'yung kamay ko.
Tulala ako buong pag-uusap nila at medyo nakapag-react lang ako ng malayo na kami sa may counter. Hinila ko ang kamay ko sa pagkakakapit niya.
"Teka nga!" Sabi ko at tinaasan siya ng isang ng kilay. "Ano bang ginagawa mo dito?"
"Oh? Kung ganyan ka magsabi ng thank you, then your welcome." Nakangiting sabi niya.
"Tss." Iniinis talaga ako ng lalakeng 'to eh. "Argh!" Inis na sabi ko."Bakit ba k--*Grrrrrwooool*" Natigil ang sinasabi ko dahil sa malakas na pagtunog ng sikmura ko. Nagkatinginan kaming dalawa at base sa ekspresyon niya,nagpipigil siya ng kaniyang tawa.
Ah!!! Lupa kainin mo na ako!"Mas mabuti kong ikain mo na 'yan." Nakangiting sabi niya at inilagay na niya sa pinakamalapit na mesa ang tray. "Sige na, masama magutom." Pagka sabi niya noon ay kumindat pa siya.
Kahit inis na inis na ako, wala akong nagawa kundi umupo. Pero hindi ako kumain. Bakit? Pano ba naman kasi ako makakakain eh nakatitig lang siya sa akin. Parang matutunaw na ako dahil sa mga tingin niya.
"Ano ba?" Mataray na tanong ko.
"Bakit?" Walang ideya niyang tanong.
"Hindi ako makakain."
"Bakit?"
"Eh nakatitig ka sa akin eh! Ano ba?" Inis na sabi ko. Tumawa lang siya at umiling-iling. "Tss. 'Wag mo ko panoorin. Hindi 'to isang palabas."
"Pero isa kang artista." Sabi niya at ngumiti sa akin at nagpatuloy sa pagtitig sa akin. Argh! Ano ba 'tong lalake na 'to!
Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimulang kumain. Binilisan ko talaga kasi nako-concious ako sa mga tingin niya. Ng matapos na ako ay nakatingin siya sa akin at may ngiting nakakaloko.
"Ang bilis ah..." Kumento niya. "Parang hindi ka nakakain ng ilang araw." Dagdag pa niya kaya tinignan ko siya ng masama.
Ang yabang talaga ng lalakeng 'to! Argh! Nakakainis.
---END---
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionMapaglaro ang kapalaran. 'Yung taong di mo inaasahang mamahalin mo, bigla mo nalang kakaadikan. Ewan. Ang hirap hulaan ng mga susunod na pangyayari. Ang daming twist and turns. Na pati 'yung isang stranger, magiging forever mo. Hays. Hirap talaga. ...