Chapter 4
Regina
After kong matapos kumain, nanatili kaming nakaupo. Nakatingin siya sa akin habang ako ay nakatingin rin sa kanya habang umiinom ng juice.
Walang nagsasalita sa aming dalawa. Pero sa huli, hindi rin ako nakatiis at nagtanong, "Ano ba ang kailangan mo sa akin?"
Medyo nabigla siya sa tanong ko pero agad ring bumalik ang nakakainis na ngiti sa mukha niya. Itinaas niya ang tatlo niyang daliri. "I have three reasons. First, dahil nakita mo ang nangyari kanina... I need to ensure na hindi makakalabas ang balitang 'yun."
Tumango ako. "Promise hindi ko 'yun sasabihin kahit kanino."
Tumamgo rin siya at nagpatuloy. "Second, is because may utang ka sa akin."
"Huh? Utang? Anong sinasabi mo?" Walang ideyang tanong ko. Sinimulan ko ng isipin kung umutang ba ako sa kanya dati pero walang pumapasok sa utak ko. Eh ni hindi ko nga alam na kaklase ko pala siya. So anong sinasabi niyang utang?
"Anong nangyari sayo?" Mapang-asar na tanong niya. "May alcimer ka ba? Mukhang wala naman. Hindi ka rin naman ganon ka-tanda para maging ulyanin. Hindi rin naman nabagok ang ulo mo so, hindi ka para magka-amnesia."
Itinuro niya ang plato at ang iniinom ko. "Wag mong sabihing nakalimutan mo narin agad 'yan?"
Saka ko napagtanto ang sinasabi niya. "Ay... sorry. Oo babayaran ko 'yun pagkabalik natin sa room. Naiwan ko kasi sa---"
"Uh-uh" Sabi niya at umiling. "You don't have to. Hindi ako tumatanggap ng pera."
"Oh? Di ano ang ibabayad ko?" Iritang tanong ko.
"Simple lang. Be my girlfriend."
Nanlaki ang mga mata ko ng narinig ko ang sinabi niya. Baliw na talaga ang isa na 'to!
"Baliw ka na!" Sabi ko at tumayo na at naglakad paalis pero hinila niya ang kamay ko.
"Not so fast babe. Di mo pa naririnig ang 3rd and last reason kung bakit kailangan kita." Saad niya at ngumiti, hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Medyo natulala ako sa kanya habang lumapit siya sa akin at bumulong, "Its because I like you. I need you in my life. And I'm starting to fall in love with you. So... Be my girlfriend."
Literally, bumuka ang bibig at nanlaki ang mga mata ko. What in the world is he saying? Is he confessing to me? Hindi ko alam ang isasagot ko and I stood there frozen. Ilang segundo ang lumipas ng walang nagsasalita. Ang lakas ng kabog ng puso ko.
Hindi ko alam ang ire-react ko o gagawin ko. Ito ang unang beses na nangyari 'to.
Habang gulong-gulo na ang isip ko sa kaiisip ng aking gagawin, biglang tumawa 'yung lalake, then he said. "Kaso joke lang 'yun. Ang totoo kasi, trip lang kita inisin eh." Sabi niya tsaka lumayo sa akin at umalis ng cafeteria, walking calmly with a wicked and annoying smile flastered on his face.
Habang ako... naiwang nakatayo. Ilang segundo ang lumipas bago ako nakapag-react. Kumukulo ang dugo ko at nangingig sa galit. Damn that bastard! Damn him to hell! Pinagtri-tripan niya talaga ako eh!
Naghintay ako sa cafeteria hanggang sa oras ng ng second subject namin ng pang hapon bago ako bumalik sa room.
Pagkapasok ko sa pinto ng room, tahimik ang lahat at ang kanilang mga mata ay nakatitig sa akin. Nilibot ko ng tingin ang classroom pero wala ang nakakainis na lalake buti nalang. Agad akong bumalik sa upuan ko at nanahimik doon.
Mabilis na lumipas ang oras. Sa isang saglit, uwian na.Hindi ko namalayan kasi lutang ang isip ko dahil sa nangyari kaganina. Tapos 'yung lokong lalake, hindi na pumasok since then. Well, wala naman akong pake sa kanya.
Agad kong inayos ang gamit ko at agad na naglakad pauwi. Hindi kasi ako kasali sa ano mang club kaya wala na akong ibang pupuntahan o tatambayan.
Naglalakad na ako palabas ng gate ng mapansin kong maraming estudyante ang nagkumpulan sa may labas ng gate. Mostly mga babae.
Hindi naman ako tsismosa pero dahil doon ako dadaan hindi ko maiiwasang tumingin. May black SUV na nakaparada sa harap ng gate at may lalakeng nakasandal dito. Naka-shades siya at nakatingin sa cellphone niya.
Teka... kilala ko 'yun ah. Si Kent! 'Yung lalakeng nabugbug kaninang umaga. Bakas parin sa labi niya ang pasa na kanyang natamo.
Binilisan ko na ang lakad dahil wala rin naman akong pake sa kanya ng bigla siyang napatingin sa akin. Yeah. Hindi ako asyumera kaya't hindi ko ito pinansin kaso bigla siyang tumakbo papunta sa akin at hinigit 'yung kamay ko.
"Ow, wow. Teka lang miss." Nakangiting sabi niya at tinanggal ang kaniyang shades. Tumingin siya sa cellphone niya tapos sa akin. "Confirmed. Ikaw nga. Pwede ka bang sumama sa akin saglit?"
Hindi ko alam pero, bigla akong kinabahan. Ano kayang balak niya sa akin? Wala naman akong ginawang masama!
"I plan no harm, miss. I promise. May ilang bagay lang akong itatanong sa 'yo." Sabi niya at ngumiti.
Dahil pakiramdam ko ay sincere naman siya, um-oo ako. Sabay kaming naglakad papasok sa SUV niya. Ramdam ko ang matatalim na tingin mula sa mga babaeng kanina pa nandito. Paniguradong sila ang fan girls nito ni Kent.
Hindi lang kasi siya basagulero. Guwapo at sikat pa sa school. Maraming babae ang may gusto sa kanya. Idag-dag pa ang pagiging badboy niya, mas maraming nagkaka-crush sa kanya.
Pagkasakay namin sa kotse niya ay pumunta kami sa isang cofee shop malapit sa school. Pumasok kami roon at nag-order ng kape. Inilibre niya pa ako kahit sabi ko na 'wag na.
Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko mabait naman 'to si Kent. Taliwas sa mga rumors na pumapalibot sa school tungkol sa kanya.
"So ano ang itatanong mo sa akin? Bakit dito pa tayo pumunta?" Curious na tanong ko.
Ngumiti muna siya at humigop sa kape niya bago sumagot.
"Gusto ko lang itanong kung anong ugnayan mo kay Sven Remuel Malferand."
Seryosong sabi niya at nakatingin deretsyo sa aking mga mata. Napa-gulp naman ako dahil sa pagiging serious niya kahit wala akong ideya kung sino ang taong nabanggit niya.
---END---
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionMapaglaro ang kapalaran. 'Yung taong di mo inaasahang mamahalin mo, bigla mo nalang kakaadikan. Ewan. Ang hirap hulaan ng mga susunod na pangyayari. Ang daming twist and turns. Na pati 'yung isang stranger, magiging forever mo. Hays. Hirap talaga. ...