Chapter 5
Regina
Ilang saglit ring namayani ang katahimikan bago ako sumagot. "Uh... Hindi ko kilala 'yung taong sinasabi mo. Baka mali ang taong tinanong mo."
Hindi siya nagsalita at derektang nakatitig sa mga mata ko at tila binabasa kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.
Sa huli, mukhang wala siyang napala dahil nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko kilala 'yun. Nagbuntong hininga siya at tumingin ulet sa phone niya.
"Hindi mo siya kilala?" Seryoso niyang sabi. "Then what's with this?"
Iniharap niya sa akin 'yung phone niya at may picture ako tsaka 'yung nakakairitang lalake na magkaholding hands. Malamang ay ito 'yung hinigit niya ako papalabas ng room.
Nag-swipe siya sa phone niya at may isa pang picture. Ito naman 'yung sa may akasya. Kinunan ito mula sa likod kaya sa picture, mukhang naghahalikan kami ng lalake.
Nag-swipe ulet siya at may isa pang picture. Dito naman 'yung nasa may cafeteria kami, noong bumubulong sa akin 'yung lalake.
Ano 'tong mga picture na 'to? Kung titingnan, mukha talaga kaming in a relationship. Pero mali ang mga litrato na 'to! Tsaka sino ang kumuha nito?
Tiningnan ko si Kent at tinaasan siya ng isang kilay. "Sinong kumuha ng mga litrato na 'to?"
"Ipinadala siya sa akin ng anonymous sende..." Huminto siya sa pagsasalita at tila may naalala tumingin siya sa akin tapos sumeryoso 'yung mukha niya. "Hindi na mahalaga 'yun. Ang mahalaga ay malaman ko kung anong koneksyon mo sa lalakeng 'to."
Huh?
Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nitong lalakeng 'to?
"At bakit mo naman gustong malaman? Huh?" Medyo inis na sabi ko. Tiningnan naman niya ako ng masama.
"Just tell me already!"
Napalakas ang pagkakasabi niya kaya't 'yung mga tao sa katabing table namin ay napatingin sa direksyon namin.
Nagbuntong hininga ako. Inaalala ang nakakaasar na lalaking 'yun at biglang kumolo ang dugo ko.
"Wala akong koneksyon sa lalaking 'yun! Kung meron man, pinuputol ko na. At kung magkakaroon, ngayon palang pipigilan ko na!" Inis na sabi ko habang inaalala ang nakakainis na mukha ng lalakeng 'yun habang nakangiti ng nakakaloko. "Tsaka ni hindi ko nga alam na Sven Remuel Malferand pala pangalan noon!"
"So hindi kayo?" Amused na tanong ni Kent.
"Huh? Anong kami? Never! I hate him to death!" Saad ko habang kumukulo ang dugo sa galit. Tsk. 'Yung lalakeng 'yun? Huh! Never magiging kami!
"Ganon ba?" Ngumiti si Kent at napailing nalang ako at napataas ang isang kilay.
"Anong ngingiti-ngiti mo dyan?" Tanong ko.
"Wala lang." Natatawang sabi niya. Sasagot pa sana ako pero nagsalita na ulet siya. "Anyways hapon na. Ihahatid na kita sa inyo."
"Huh? 'Wag na. Kaya ko nang umuwi." Agad na pagtanggi ko.
"No, no and no. Ako nagdala sayo rito tsaka nasayang ko ang oras mo so, para makabawi, hayaan mo akong ihatid ka." Nakangiti niyang saad. Ngayong pinagmamasdan ko siya, na-realise ko na gwapo nga siya. Lalo na kapag nakangiti dahil lumalabas 'yung malalim niyang dimples.
Unknowingly napa-oo nalang ako. Ano bang nangyayari sa akin?
"Ok, shall we go."
Pagkalabas namin ng cafe ay pumunta na kami sa may kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto para makapasok ako bago siya pumasok at nagmaneho.
5 minutes lang at nasa may tapat na kami ng bahay ko. Agad na bumaba si Kent at binuksan ang pinto para makababa ako.
"Goodbye." Nakangiting sabi niya.
"Bye" Sabi ko naman at pumasok na siya sa kotse niya pumasok nadin ako sa loob ng gate. Nasa may salas na ako ng mapansin ko si Mama na nakatingin sa akin. Sa tingin niya palang, alam ko na agad ang meaning.
"Sino 'yung naghatid sayo? Mukhang may boyfriend na ang baby ko ah?" Mapang-asar na sabi ni mama. Sabi na eh!
"Ma, hindi ko po 'yun boyfriend. Ni hindi ko nga 'yun friend eh." Umupo kami ni mama sa sofa at ikinuwento ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako inihatid ni Kent. Ikinuwento ko rin sa kanya ang tungkol sa mayabang na lalakeng kinamumuhian ko na Sven ang pangalan.
"Hmm... kung ganon, pano niya nalaman ang bahay natin?" Tanong ni mama matapos kong magkuwento.
Dahil sa tanong ni mama, napaisip ako. Pano nga ba? Hindi ko matandaan na sinabi ko sa kanya ang address namin? Siguradong hindi niya rin 'yun alam kasi hindi naman kami friends?
Nakakapagtaka.
Kinabukasan, maaga akong pumasok. Nasa room na ako at nakaupo sa usual seat ko. Nanalangin na sana ay hindi ko makita ang mukha ng nakakainis na Sven na 'yun.
Pero mukhang minamalas ako. Kasi 5 minutes before the start of the class dumating siya. His usual annoying smile was flastered on his face. Lumibot ang tingin niya sa buong room hanggang sa pumatak ito sa akin.
Agad siyang nagtungo sa tabi ko at ng ilang metro nalang ay nagsalita. "Hi babe, good morming!" Malakas na bati niya dahilan para marinig ng lahat ng tao sa classroom.
Marami agad nagsigaw ng "Yieeeh! Aga-aga cheesy agad!"
Habang ako? Kumukulo na agad ang dugo at naiirita dahil nakita ko ang mukha niya. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti sa akin.
"So? Ano ang sagot mo?" Tanong niya.
"Saan?" Mataray na sagot ko with one of my brows raised."Sa tanong ko of course." Natatawa niyang sabi. Tsk. Pilosopo. "Nakalimutan mo na agad? Napaka makakalimutin mo talaga. Sige uulitin ko. Will you be my girlfriend?"
Hindi ko na siya hinarap. Ayaw ko ng makipag-usap sa baliw na kagaya niya.
"Seems like you don't wanna." Natatawang sabi niya. "Kung ganon, liligawan kita."
Napuno na talaga ako kaya't hinarap ko siya.
"Hindi ba sabi mo trip mo lang ako? Tapos anong sinabi mo ngayon huh?"
"Sigh~" Nagbuntong hininga siya at umiling. "Sorry na babe. Joke lang 'yung sinabi ko na 'yun."
"Hmpf! Babe mo mukha mo."
"Hays. Pero liligawan kita."
"Ayoko." Madiin na sabi mo. "Wala kang pag-asa. Ngayon palang basted ka na!" Sigaw ko sa kanya.
Tumawa lang siya at nag-shoulder shrugs. Tapos nawala ang ngiti niya at naging seryoso ang kaniyang mukha at derektang tumingin sa mga mata ko.
"Kahit wala akong pag-asa at kahit alam kong umpisa palang busted na ako. Ayos lang. Kasi sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita. Tandaan mo 'yan."
---END---
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionMapaglaro ang kapalaran. 'Yung taong di mo inaasahang mamahalin mo, bigla mo nalang kakaadikan. Ewan. Ang hirap hulaan ng mga susunod na pangyayari. Ang daming twist and turns. Na pati 'yung isang stranger, magiging forever mo. Hays. Hirap talaga. ...