Chapter 7
Regina
"K-KENT!!?" Gulat na bulalas ni Elizabeth at hindi makapaniwala sa nangyari. Maging ang dalawa niyang alipores ay napabuka ang bibig at nanlaki ang mga mata.
"A-anong ginagawa mo dito?"
Tiningnan ni Kent ng masama si Elizabeth bago tumingin sa akin, "I'm sorry Regina. Are your hurt?"
Umiling-iling ako.
Ngumiti lang si Kent at hinila na papaalis si Elizabeth, kasunod ang mga alipores nito. Hanggang ngayon ay hindi ko parin ako nakakget-over sa shock. Iniligtas niya ako...
"Hey?" Biglang may nagdikit ng malamig na bottled water sa pisngi ko. Anong... nagulat ako at muntikan ng mapatalon. Tiningnan ko si Sven ng masama. Siya kasi ang nagdikit ng bottled water sa pisngi ko.
Pero nabigla ako sa itusra niya. Hindi siya nakangisi at tila inis. Anong nangyayari sa isang 'to?
Inilagay niya sa kamay ko 'yung bottled water tsaka tumalikod at umalis. Nabigla at nagtataka ako sa iniaasal ng isa na 'yun. Anong nangyayari sa kanya?
Ininom ko nalang 'yung bottled water na ibinigay niya... Malinis naman ata 'to at wala naman siguro 'tong lason.
After ng PE class namin, nagpalit na ulet ako ng damit. Recess na. Pumunta ako sa lugar kung saan ako nakatambay. Hindi kasi ako nagre-recess. Ayaw kong makipag-unahan sa pagbili sa cafeteria tsaka naiinis parin ako sa tindera doon na tumawag sa aking pulubi.
Umupo ako sa damuhan at sumandal sa akasya. Naglagay ako ng head set at tsaka nagbasa ng novel na hindi ko pa natatapos. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng may tumama sa ulo ko.
Agad akong napatingin dito at medyo nairita. Isang papel na eroplano?
Gawa ito sa red colored paper na may design na hearts. Ang ganda ng papel kaya medyo nanghinayang ako kasi ginawa lang eroplano. Tiningnan ko ang paligid para mahanap ang may-ari pero wala namang tao. Saan kaya 'to nanggaling?
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin at tinanggal ko ang lupi-lupi ng papel at ng maayos na ito, may sulat sa loob. Sulat kamay ito at infairness, ang ganda ng hand writing niya.
"From your S.A
Admiring you from afar is enough for me. But I can't seem to erase this feelings that I have for you. This may sound illogical and stupid but I really like you. And I'm falling in love with you every passing day. I like you, but I don't have the courage to tell you personally but, at the very least you know that it's true. And in the future, I'm gonna go and tell you...
For you,
Reigna Santos."Medyo natulala ako ng binasa ko ang sulat. Para sa akin 'to? Hindi naman sa assuming pero may pangalan kong nakalagay eh. Tsaka as far as I know ako lang naman ang Regina Santos sa school na 'to.
Pero ang tanong... kanino 'to galing?
Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Sven habang nakangiti ng nakakaloko. Sa kanya kaya 'to galing? Pero S.A? Sven... para saan 'yung A?
Ewan. Inayos ko ng tiklop 'yung papel at tsaka itinago sa loob ng bag ko. Mukhang seyoso si Sven sa sinabi niya ah? Nage-effort talaga siya. Una 'yung chocolates tsaka 'yung roses tapos ito... seryoso kaya talaga siya sa sinabi niya?
Ewan naguguluhan na ako. Ang gulo ng taong 'yun!
Bumalik na ako sa room ng malapit na magsimula 'yung klase. Hinihintay ko si Sven para magpasalamat sa mga ibinigay niya. Pero paglilinaw: I still hate him. Pero konti nalang.
Subalit, nagsimula na 'yung klase pero hindi parin siya dumarating. Asan na kaya ang isa na 'yun?
Medyo nag-aalala na ako. Teka ? Nag-aalala? Bakit kaya? Ewan ko ba.
Natapos na 'yung huling klase namin para sa umagang 'yun pero hindi na siya pumasok. Tapos noong lunch, papunta na ako sa usual place ko--sa may puno ng akasya malapit sa garden--ng bigla siyang sumulpot. Nagulat nga ako eh. Buti nalang hindi ko siya nahampas ng bag ko.
Nakangiti nanaman siya ng nakakaloko at may hawak na square na bagay na nakabalot sa red na tela.
Umupo na ako sa may damuhan at sumandal sa akasya. Umupo rin siya sa tapat ko at inilapag 'yung bag niya tsaka 'yung hawak niyang box.
Binuksan niya 'yung bag niya tsaka may kinuha siya. Tapos, ibinuka niya ito at isa pala itong square shaped na tela. Kulay brown ito at inilatag niya sa damuhan. Then umupo siya roon at tsaka kinuha 'yung box na nakabalot sa tela. Pero bago niya ito tuluyang mabuksan, huminto siya at tumingin sa akin.
"Oh? Babe? Bakit nandyan ka lang nakatingin? Tara na dito!" Nakangiting sabi niya. Iiling sana ako pero binitawan niya 'yung box niya at hinila ako. "Tara kumain. Ako nagluto ng mga 'to!" Nakangisi niyang saad.
Ang laman pala ng box ay tatlong taperwear. Ang laman ng isa ay adobo habang 'yung isa ay... hmm? What's that? Soup? Hindi ko alam. Tapos kanin ang laman ng huling taperwear.
Hindi ko tuloy mapigilang mapataas ang isang kilay. "Para saan 'to?""Para kainin." Kumindat pa siya at tumawa. "Sige na babe. Kain na tayo. Pinaghirapan kong lutuin 'yan sana magustuhan mo."
Ano 'to isang picnic?
Hindi na ako nakipagtalo at kumain nalang. Masama mag-away sa harap ng pagkain. Pero real talk, ang sarap.
"Ikaw talaga nagluto nito?" Mapang-asar na tanong ko.
"Siyempre naman." Kampante at mayabang na sagot niya. "Sino pa ba?"
Ang hangin.
"We? Di nga?" Pang-aasar ko pa. "Kaya pala hindi masarap."
Tiningnan niya ako tsaka tumawa. "Hindi pala masarap huh? Kaya pala naubos mo na. Hahaha." Malakas na tawa niya.
"Oy di kaya!" Agad na sabi ko at pinalo siya sa balikat. "Konti pa nga lang nakakain ko eh."
"Haha, sabi mo eh."
"Pero totoo? Ikaw talaga nagluto nito?"
"Oo nga. Bakit ba hindi ka makapaniwala?"
"Wala kasi sa itsura mo eh." Natatawang sabi ko.
"Ah... ganon?" Tiningnan niya ako at ngumiti ng nakakaloko. Tapos tumayo siya at lumapit sa akin.
"T-teka anong gagawin mo?"
"Wala ba sa itusra ko?" Nakangising sabi niya. Agad akong tumayo at tumakbo. Agad rin naman niya akong. Hinabol.
Tawa kami ng tawa. Naglaro lang kami at nagkulitan. Ngayon ko lang na-realize na masarap rin palang kasama 'to si Sven.
Enjoy ko ang first lunch naming magkasama or second? Pero hindi naman kami sabay kumain noon eh. So ito ang first lunch namin.
---END---
BINABASA MO ANG
First Love
Teen FictionMapaglaro ang kapalaran. 'Yung taong di mo inaasahang mamahalin mo, bigla mo nalang kakaadikan. Ewan. Ang hirap hulaan ng mga susunod na pangyayari. Ang daming twist and turns. Na pati 'yung isang stranger, magiging forever mo. Hays. Hirap talaga. ...