Chapter 2

41 6 0
                                    

Chapter 2

Regina

"Ah..." Napahawak ako sa bibig ko. "I'm sorry. Sorry. Sorry. Sorry." Mabilis na saad ko at agad na kinuha ang aking bag.

Habang ang lalake ay napaluhod at nakahawak sa kanya mukha. "Aw! Aw!" Daing niya.

Medyo nagdadalawang isip ako kung anong gagawin ko. Kung tatakbo na ba ako paalis dahil delikado ang lalakeng 'to. Mukha lang siyang maamong tupa pero nabugbog niya 'yung infamous four bad boys na kinatatakutan sa school. Nahampas ko siya ng bag ko baka bugbugin rin niya ako! OMG!

Kahit gustong-gusto ko ng tumakbo paalis, hindi ko magawa. Sorna. Tao parin ako. May konsensya. Lumapit ako sa kanya para tignan ang lagay niya. Siguradong masakit ang hampas na 'yun kasi medyo malakas ang bitaw ko tsaka may taperwear na laman ang bag ko kaya siguradong mahapdi 'yun...

"A-ayos ka lang ba?" Alalang tanong ko. Ilang saglit pa, inalis niya ang kamay niya sa mukha niya at kitang kita ang pamumula ng halos buong mukha niya. Halata pa naman kasi sobrang puti niya! Kutis artista!

Ng inalis niya ang kaniyang kamay ay nakapikit pa siya at sa gaanon kalapit na distansya naming dalawa kitang-kita ko ng maayos ang itsura niya. Hindi lang siya mukhang maamo, gwapo pa. Matangos na ilong at mahahabang pilik mata. Tapos 'yung labi niya, mapula pero tama lang.

Iminulat niya ang kaliwa niyang mata at tumingin sa akin. Ngumiti nanaman siya, ngiting nakakaloko. "Hindi mo naman ako binalaan. Tinamaan tuloy agad ako sayo."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya, pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Ano ba 'yan! Napaka misleading naman ng line niyang 'yun. "A-ano bang sinasabi mo? I-ikaw kaya ang hindi nagsasabi. Bigla-bigla ka nalang nang gugulat. T-tuloy..."

Iminulat na niya ang kaniyang isa pang mata at ngayon ko lang napansin na kulay grey pala ang kulay nito... tsaka ang ganda tignan. Tapos... parang lumaki... teka? Lumalaki? Baka lumalapit! Lumalapit ang mukha niya sa mukha ko!

Hindi ako makakibo.

Tu-dug Tu-dug Tu-dug

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tapos parang slow motion ang lahat. Nakatingin lang ako sa grey eyes niya na papalapit na ng papalapit.

Amoy ko na ang hininga niya, amoy peper mint... halos magdikit na ang mukha namin at konti nalang ay magdidikit na ang mga labi namin ng bigla siyang umurong.

Lalong lumaki ang ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit pero ng lumayo siya, medyo nakaramdam ako ng panghihinayang at dissapointment. Teka? Ano ba nangyayari sa akin. Bakit nararamdaman ko 'to?

Tiningnan ko siya ng masama. Pero hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yun. Dahil ba sa ginawa niya? Oo dahil sa ginawa niya. Pinaglaruan niya ako? Teka? Pinaglaruan? Nanghihinayang ba ako dahil hindi na tuloy ang dapat na mangyayari? Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? Ewan.

"That moment, you've fallen for me, aren't you?" Malokong sabi niya at hindi maalis ang nakakaloko niyang ngiti.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong nainis. "Ewan ko sayo." Inis na sabi ko at kinuha ang bag ko tsaka nag madaling umalis. Ang yabang niya! Ang hangin sobra!

Hindi ko alam kong saan ako papunta at dinala nalang ako ng mga paa ko sa aming classroom. Nakatingin ako sa wristwatch ko, saktong 5 minutes nalang before 1... Hindi pa ako nakakakain.

Naalala ko nanaman 'yun lalakeng 'yun at biglang kumulo ang dugo ko.Tsk. Nakakainis ang mahangin na 'yun!

Umupo na ako sa upuan ko at tahimik na nagmasid. Hindi pa naman ako nagugutom kahit na hindi ako nakapag-lunch. Kinuha ko nalang 'yung text book ng next subject namin at nagbasa-basa para may magawa.

Hindi kasi tulad ng mga kaklase ko na busy sa tsikahan at kulitan, hindi ko magawa 'yun. Wala kasi akong friends. Hindi naman sa hindi ako friendly... talagang medyo unique lang ako kaya't walang nakikipag-friends sa akin.

"Ok class."

Biglang tumahimik ang maingay naming silid. Tumingin na ako sa unahan at ibinaling ang aking atensyon sa aming guro.

Seryoso ako sa pakikinig ng may kumulbit sa aking kaliwang balikat. Hindi ko ito pinansin at nakinig lang. Mukhang trip ako ngayon ng mga kaklase ko ah.

Balak ko sanang hindi na pansinin subalit hindi ako tinigilan. Nilingon ko ang lalakeng nakaupo sa katabi ko ng kunot ang noo at nakataas ang kilay balak ko sana siyang tarayan subalit nagulat ako at napatayo dahil sa nakita ko.

Medyo nakabuka ang bibig ko at nakaturo ang isang kamay sa lalakeng katabi ko. Dahil sa pagtayo ko, napatingin sa akin ang lahat ng mga estudyante pati ang aming teacher. Lahat ng atensyon ay natuon sa akin.

Medyo na-concious ako at nahiya. Ano bang ginagawa ko. Kasalan 'to ng lalakeng 'to eh!

As usual, wearing his annoying smile, nakatingin siya sa akin at mangha dahil sa ginawa ko. Tumawa pa siya bago tumayo.

"Babe naman, sabi ko sayo sorry na. Bati na tayo please." Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. "Sige na babe oh!"

What in the world is he doing. Natulala ako at ang aking medyo nakabuka na bibig ay lalong lumaki. Anong sinasabi ng lalakeng 'to.

Hindi lang ako ang nagulat, pati ang mga kaklase ko. Hindi sila makapaniwala sa narinig nila pero may iba na sumigaw ng,

"Yiiiieeeh... Bati na 'yan."

Tapos sabay-sabay pa silang sumigaw ng "Bati na 'yan, bati na 'yan!" ng pauli-ulit.

Lalong namula ang aking pisngi na pakiramdam ko'y abot hanggang tenga. Lupa! Kainin mo na ako! Now na!

Biglang natigil ang malakas na sigawan ng mga kaklase ko ng sumigaw si Sir.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyong dalawa? You two are disturbing my class! Kung maglalandian lang kayo, GET OUT!" Malakas, mabilis at galit na sigaw ng aming lalakeng guro. Medyo hinihingal pa siya matapos niyang sabihin 'yun. Parang may usok na lumalabas sa tenga at ilong niya at namumula sa galit na parang isang bulkang sasabog.

"S-sor--" Mag-so-sorry sana ako eh pero biglang nagsalita ang nakakainis na lalake sa tabi ko.

"Ganon po ba sir? Sige po. Tara na babe, labas na tayo."

Pagkasabi niya noon ay hinila niya ang kamay ko at hinigit ako papalabas ng room under the astonished eyes of my classmates. Kita ko pa na may ilang napa-nganga at may ilan na nag-thumbs up pa.

---END---

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon