Chapter 6

26 4 0
                                    

Chapter 6

Regina

"Ewan ko sayo, ang corny mo." Mataray na sagot ko sa kanya at tumingin na sa unahan. Hindi ko alam pero, dahil sa sinabi niya, medyo kinilig ako. Sorna. Tao lang rin naman ako. Pero kahit na ganon naramdaman ko, hindi parin nawawala 'yung pagka-inis ko sa kanya. Tss. Tignan lang talaga natin kung kaya niyang gawin 'yung sinabi niya.

Sakto naman na dumating na 'yung teacher namin at nagturo. Buong klase ay seryoso akong nakinig. Buti nalang at hindi ako ginulo ni Sven. Then matapos ang English class namin PE na. Lumabas na kami ng room para pumunta sa aming locker at magpalit.

Magkahiwalay ang locker ng babae at lalake. Nasa may locker room na ako at binuksan ko na ang aking locker at nagulat sa laman sa loob. Isang chocolate at tatlong red rose.

"Sino kaya ang naglagay nito dito?" Bulong ko at biglang naisip ang nakakiritang mukha ni Sven. Siya kaya? Pano niya nabuksan ang locker ko? Tsaka bawal pumasok ang lalake sa locker room ng mga babae... pano niya 'to nagawa?

Itinabi ko na muna 'yung chocolate at rose tsaka nagpalit ng PE uniform at nag-rubber shoes. Then pumunta na ako sa gymnasium kung saan gaganapin ang aming PE class. Nakaupo na kami sa sahig habang si Sir. Marco ay nakatayo sa harap namin.

"Ok, so are you ready guys?" Nakangiting saad ni sir sa kaniyang trademark line at pumalakpak. "We already tackled the cha-cha-cha dance and today, we are goin' to learn the Waltz." Saad niya. "And now, to start our activity, you need a partner. It should be male and female partners."

Naman! Ang malas ko talaga. Pagkasabi noon ni Sir ay biglang nagkagulo ang mga kaklase ko. Nagsimula na silang kumuha ng partner at may ilan na nag-aagawan pa. Habang ako? Well sino ba papa-partner sa akin? Lalapit na sana ako kay sir para mag-sabi na kung pwedeng wala akong ka-partner ng humarang sa harapan ko ang nakangiting si Sven.

"Will you be my partner?" Tanong niya.

Gusto ko sanang sabihing, 'In your dreams' pero ng maalala kong posible akong ma-zero sa activity na 'to kapag wala akong partner... pumayag nalang ako. No choice eh.

"Ok, now that you have a partner. I'll teach you the steps." Then sinimulan na ni sir ipaliwanag 'yung mga steps at ipinakita pa niya kung paano.

After that, nagpractice na kami. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa ng partner gayong kahit naman mag-isa ay pwedeng-pwede na 'tong sayawin.

Mabilis ko lang natutunan 'yung steps at na-master ko na agad. Maging si Sven ay mukhang gamay na gamay na ang sayaw.

"Ok. Ngayong mukhang kabisado niyo na ang steps, let's start the real dance. Start na partneran!" Pahayag ni sir at humigit ng isang lalake, beki kasi si Sir eh. At sakto pang si Sven ang nahila niya. Kitang-kita sa mukha ni Sven ang gulat at inis tsaka, pandidiri.
Alam kung gustong-gusto niyang mag-reklamo pero wala siyang nagawa. Buti nga sa kanya. Karma! Habang pinapanood ko sila ay nagpipigil ako ng tawa. Kasi 'yung ekspresyon ni Sven... ahaha. Priceless. Hindi maipinta.

Matapos mai-demonstrate ni Sir 'yung sayaw sa tulong ni Sven ay bumalik na si Sven sa tabi ko.

Hindi ko mapigilang napangiti dahil hindi parin maipinta ang mukha niya. "Looks like you enjoyed your dance with Sir. Marco." Pang-aasar ko sa kanya. Ayan! Ganti ko 'yan!

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Nah... kinikilabutan nga ako kapag naalala kong ginawa ko 'yun! Bakit kasi ako pa kinuha eh!" Inis na pagmamaktol niya.

"Type ka ni Sir." Biro ko.

"Yuck!" Agad na sabi naman niya at tinignan ako ng masama. "Hindi ako pumapatol sa bading."

"Oy 'wag ka maingay. Ssssh!" Saad ko kasi ang lakas ng boses niya baka marinig siya ni Sir pero nagkibit balikat lang siya at tumawa.

Tapos ayon, kami naman ang nagsayaw. Medyo naiilang pa ako kasi kailangan magkahawak pa ang kamay namin pero wala naman akong magagawa. Buti nalang pagkatapos ng activity at ng sinabi na ni Sir 'yung scores, mataas 'yung nakuha naming grado.

Umupo ako sa may bench habang nagpupunas ng pawis. Buti naman at wala sa paligid si Sven. Medyo tahimik ang mundo ko... well, akala ko lang.

"So ikaw pala 'yung malandi?" May tatlong babae ang lumapit sa akin. Kaklase ko 'yung isa sa kanila habang 'yung dalawa ay hindi pero kilala ko. Sila kasi 'yung sikat sa school.

At 'yung nauuna sa kanila ang tinagurian, Queen Bee at siya rin ang nagsabi ng malandi ako.

Hindi ko tuloy mapigilang mapataas ang isang kilay. Anong pinagsasabi ng babaeng 'to? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah?

"Oh? Bakit natulala ka dyan, huh? Masakit ba na marinig na malandi ka kaya na-shock speechless ka?" Dagdag pa niya.

"Anong sinasabi mo, huh? Anong malandi? Hindi mo ako kilala kaya 'Wag kang manghusga." Inis na sabi ko. "Isa pa, for your information, hindi ako malandi. Alam mo namang hindi mo ako kagaya!"

Boom! Ng masabi ko ang huling linyang 'yun ay parang bulkan siyang sumabog. Namula 'yung mukha niya at parang may usok na lalabas sa ilong niya na parang turo na handang manuag. Truth hurts nga naman.

Balitang-balita na kasi sa school ang kalandian ng tinaguriang Queen Bee na 'to. Pero walang naglalakas loob na magsabi sa kanya. Mukhang ako palang, at mukhang hindi magandang ideya ang ginawa ko.

"Anong sinabi mo? Ulitin mo 'yun!" Sabi niya at bigla akong sinampal. Alam kong hindi ako makakailag at hindi narin ako umilag. Pumikit nalang ako at inihanda ko na 'yung sarili ko sa masakit na sampal na lalapat sa pisngi ko pero wala. Yeah. Walang lumapat.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita na may kamay na pumigil sa kamay ng Queen Bee na si Elizabeth bago ito lumapat sa mukha ko, dahilan para hindi niya ako masampal.

Tiningnan ko ang may-ari ng kamay na pumigil sa sampal at medyo nagulat ako. Hindi lang ako, kundi pati si Elizabeth at ang dalawa niyang alipores.

---END---

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon