Alex' POV
Sabi nga nila time flies faster when you're happy.
It's already our last day here in Paradiso Dell' Amore. And it's our last day together before we go back sa mga sariling buhay namin.
"Nakakainis naman! Dapat may 4 days pa tayo together eh! Bakit kasi nagkaproblema sa mga trabaho natin, at sabay sabay pa ah!" pag rarant ni Rielle
"Hayaan niyo na, we can always go out and bond some other time." sabi ni Nadine
"But we promised each other that we will be together for a week." mahinang sabi ni Drae
"Yes, we did. But we need to go back sa mga trabaho natin. Lalo na at kailangan." sagot ni Nadine
Naputol kasi ang dapat na one week celebration namin dahil sa mga nareceive namin na message at tawag kagabi.
Si Rielle ay kinakailangan na sa kanilang shoot dahil naresched ito ng mas maaga kaysa sa dapat na araw talaga. Hindi naman siya maka hindi dahil may pinermahan na siyang kontrata.
Si Dee naman ay pinapabalik ng tatay niya sa office nito dahil may naging problema daw sa company.
Si Drae ay pinapabalik na ng kanyang parents dahil may mahalaga daw na sasabihin sa kanya na hindi pwedeng sa phone lang pag usapan.
Habang ako naman ay kinakailangan na rin sa hospital.
Malungkot man dahil hindi namin nagawa lahat ng plinano namin ay hindi ko ipagkakaila na ang mga araw na kasama ko sila ang pinakamasaya.
Hindi man namin nagawa lahat ngunit nag enjoy naman kami at nagkaroon ng new experiences na magkakasama.
Pagkatapos kasi namin tumambay noong unang araw namin sa dalampasigan ay nag bbq party kami at karaoke.
Nung pangalawang araw naman namin ay nag explore kami sa buong resort at nag water activities kami gaya ng surfing at snorkeling. Nag zipline rin kami.
Kinagabihan naman ay nag swimming kami sa pool at nagkwentuhan hanggang sa natanggap nga namin ang mga mensahe na kinakailangan na namin bumalik sa mga kanya kanya naming buhay.
At ngayon nga ay naghahanda na kami paalis dito sa Paradiso Dell' Amore.
"Mga before lunch tayo makakarating sa Nexus, mag stay muna kayo doon para kumain bago kayo pumunta sa mga trabaho ninyo." sabi ni Nadine
"Sayang naman, di namin na-meet ung pinsan mo. Mamaya pang hapon yung balik niya dito noh? Gwapo ba iyun?" sabi naman ni Dee
"Ay nako, may HD ka talaga sa pinsan ni Nadine noh? Lagi mong tinatanong eh!" sabi ni Rielle na halatang inaasar si Dee
"HD?" sabay na tanong namin ni Nadine
"Hidden Desire! Nako, itong dalawa talaga na ito napaka boomer." sagot ni Rielle
"Pasensya naman noh? Hindi ko kasi ma-gets bakit ang hilig ng mga tao paikliin masyado at sa abbreviations. " sabi ko na ikinatawa nila
"Sige na bilisan niyo na diyan. Papunta na dito ung mga tutulong sa atin magdala ng gamit natin sa may lobby." sabi ni Nadine
BINABASA MO ANG
Amici Per Sempre : Prologo (Currently Editing)
General Fiction"True friends are never apart, maybe in distance but never in heart." - Helen Keller This has been their friendship motto since the beginning. But they never have experienced being apart, for they were always together. Well, not until they graduated...