Dee's POV
"Have you send the revised design to Mr. Evergreen?" tanong ko kay Joanne, my secretary
"Yes po Maam."
"Good. Sige you can go back to your place."
Fuck! Ang sakit ng ulo ko! Ilang araw na ako puyat dahil sa pag rerevise ng design plan sa project na dapat ay kay Alexa naka assign!
Nakakairita naman kasi yung Lucas Evergreen na iyun eh! Napaka indecisive! Papalit palit tuloy ng design! Sana naman last revision na yung pinadala ko kanina. Kasi pag nagpa revise pa uli siya, mababaliw na talaga ako!
Stop thinking about that guy na nga Dee! Focus! Marami ka pang kailangan gawin.
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagbabasa ng mga contracts at proposals na kinakailangan i-review.
Mga isang oras mahigit na rin siguro ako nagbabasa ng mga ito, ng biglang nag ring ang intercom ko.
"What is it Joanne?" pagsagot ko sa tawag sa intercom
"Maam Dee, pinapapunta po kayo ni Mr. Southfire sa office niya."
"Why? Anong meron?" tanong ko
"Wala pong sinabi Maam. Basta pinapapunta po kayo doon."
"Ok sige. Papunta na kamo ako."
Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin? Malamang yung dapat na sasabihin niya lang noon. Sana itinext niya na lang. Wala naman kaming nagiging matino na usap pag magkaharap kami eh.
Pagpasok ko sa office ni dad ay hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin.
*Pak* (tunog po yan ng sampal XD)
Yan ang binungad ng daddy ko pagkapasok ko ng office niya. Isang malakas na sampal sa right cheek ko.
Hindi agad na-process ng utak ko ang nangyari. This is not the first time that it happened, but the last one happened a long long time ago. And this time sa harap pa talaga ng baut baitan na anak anakan niya.
"Ano na naman bang pinag gagagawa mo ha Diana?! Bakit may client na nagwawala sa office mo nung isang araw?! Tapos hindi ka pa pumunta sa conference meeting kahapon! Buti pa si Alexa may pakialam sa kompanya natin!" Pagsesermon sa akin ng magaling kong daddy
Si Alexa naman ngingisi ngisi lang na nakaupo sa may table ni Dad pero pag napapatingin sa kanya si Daddy biglang umaamo ung mukha. Best actress talaga eh.
"Gandang bati naman nun Dad! Halatang na miss mo ko eh no." Sarcastic na sabi ko
"Tigilan mo ako sa kakaganyan mo Diana!" Galit na sigaw ni Daddy
"Well for your information,yung lalaki na nagwawala sa office ko client ng magaling mong step daughter! Ikaw pa nga ang nagbigay ng project kay Alexa diba? Bakit wala ako kahapon? Nandoon ako sa office ni Mr.Evergreen inaayos ko kasi yung problema na ginawa ng bruhang yan *turo kay Alexa*. Alam mo bang gusto niya na idemanda ung company dahil sa kapabayaan ng isang yan." Naiinis na sabi ko
"Kahit na! Dapat responsable ka sa ganyan! Ikaw ang VP ng company! Alam mo naman na may sakit ang kapatid mo kaya nag leave siya--"
"Wow ha! May sakit?! Talaga ba?! Nakita ko nagpost siya ng picture kasama si Dwayne na nag gagala sa France. Ganun na pala pag may sakit no? Pumupunta sa ibang bansa tapos makikipaglandian! Ang galing!"
*Pak* (sampal po ulit yan XD)
At sinampal na naman po ulit ako ng magaling kong ama.
"Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganyan ang kapatid mo!"
BINABASA MO ANG
Amici Per Sempre : Prologo (Currently Editing)
Narrativa generale"True friends are never apart, maybe in distance but never in heart." - Helen Keller This has been their friendship motto since the beginning. But they never have experienced being apart, for they were always together. Well, not until they graduated...