Dee's POV
Nandito ako ngayon sa Terra Dei Fiori, ito ang garden resort na pagmamay ari ng mga Crux. Dito kasi ang venue ng engagement party ni Zyde at Drae na gaganapin mamayang gabi.
Kanina pa ako nandito dahil ang Deesigner ang kinuha nila para mag ayos ng venue. Dito na din ako nag ayos dahil kung uuwi pa ako ay hindi ko na aabutan ang party. Malayo kasi sa kabihasnan ng Rifugio ang Terra Dei Fiori.
Magsisimula na ang event pero hindi ko pa rin nakikita ung apat. Si Drae ay nasa room niya kung saan inaayusan pa siya.
"Hi there Diana." bati ni Lucas na bigla na lang sumulpot galing sa kung saan
"Uy, hello." bati ko pabalik
"Nakita mo ba sina Rielle?" tanong ko pa sa kanya
"Hindi eh. Pero si Nadine at Alex nakita ko kanina sa room ni Drae."
"Ah ganun ba. Sige pupunta muna ako do--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may dumating na bruha.
"Oh! Look who's here! Naghahanap ka na ba ng lalaki na pwede mong maging boyfriend para magkapera ka kaya ka nasa ganitong party?" sabi nung bruha na si Alexa
"Baka ikaw ang pumunta dito para doon." mataray na sabi ko at tinalikuran ko na siya ang kaso lang ay hinila niya ako ulit paharap sa kanya
"Huwag mo akong tatalikuran pag kinakausap kita, you bitch!"
"I'm not a mirror para makita mo ang sarili mo. Pero sa pagkakaalam ko may salamin sa powder room. Kung gusto mo pumunta ka doon para makita mo ung tinatawag mo."
"Bitch!" sabi niya at kumilos siya para sampalin ako pero bago pa lumapat sa pisngi ko yon ay nasangga ko na iyon
"Bingi ka ba? Kasasabi ko lang diba na hindi ako salamin. Ah baka hindi ka bingi, baka talagang mahina yang utak mo. Ay oo nga pala! Wala ka nga pala nun. Sorry nakalimutan ko eh." sabi ko habang tumatawa just to irritate her more
Maglalakad na sana ako ulit ang kaso sinabunutan naman niya ako.At dahil hindi ako papatalo sa bruha na to ay hinablot ko rin ang buhok niya.
Inaawat na kami ni Lucas ngayon at pilit akong hinihila palayo kay Alexa. Pero dahil napipikon na ako sa babaeng to ay hindi ako magpapaawat.
Medyo malayo kami sa mataong part at medyo madilim dito pero hindi ibig sabihin nun ay walang nakakapansin sa amin.
"Diana!" galit na wika ni Daddy na biglang umeksena rin
Medyo marami na ring nakatingin sa amin ngayon. Kahit kailan talaga attention seeker ang babaeng yun.
Lumapit agad siya kay Daddy at nag iyak iyakan ang demonyita.
"Ano na naman ang ginagawa mo ha Diana?!"
Ofcourse! Ako na naman ang may kasalanan. Lagi naman.
Tinitigan ko lang siya bilang sagot. Kahit ano naman sabihin ko hindi naman papaniwalaan. So what's the point of explaining my side, eh yung side lang naman ni Alexa ang kapanipaniwala for him.
"Kinakamusta ko lang naman po siya tapos bigla niya na lang akong tinawag na bitch at kung ano ano pa. Tapos po sinabunutan niya na ako." iiyak iyak na sagot ni Alexa kay Daddy kahit na hindi naman siya ang tinatanong
Hindi lang siya best actress, best writer rin. Nakagawa pa ng kwento.
"Hindi naman yan ang nangy--"
"Huwag na Lucas. Hindi dapat sinasayang ang energy at laway sa mga taong sarado ang utak." sabi ko at naglakad na ako palayo pero narinig ko na tinawag niya ako kaya napahinto ako saglit
BINABASA MO ANG
Amici Per Sempre : Prologo (Currently Editing)
General Fiction"True friends are never apart, maybe in distance but never in heart." - Helen Keller This has been their friendship motto since the beginning. But they never have experienced being apart, for they were always together. Well, not until they graduated...