Chapter 7

49 5 1
                                    

Drae's POV

Kakaalis ko lang ng main branch ng Fatto Con Amore Cafe. Tumawag kasi si Daddy dahil kakauwi nila from their trip. Pumunta daw ako sa bahay, meaning bahay nila ni Mommy, dahil may sasabihin daw sila. Naka hiwalay na kasi kami ni Lou sa kanila. Si Lou sa condo niya tumitira ako naman ay sa pinatayo kong bahay.

Ano kaya yung sasabihin nila? Ilang linggo na silang paulit ulit diyan eh. Hindi naman nila masabi through phone, dapat daw personal.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa dining room dahil for sure nag lulunch pa lang sila Mommy. And tama nga ako.

"Good afternoon Mommy, Daddy" bati ko at nag kiss ako sa cheeks ni Mommy ganun din ang ginawa ko kay Daddy

"Good morning Drae. Buti naman at nakapunta ka agad dito." Sabi ni Mommy at pinaupo niya rin ako sa tabi niya

"Nasa FCA Cafe lang naman po ako kanina. Kaya medyo malapit lang din po dito." Sabi ko habang kumukuha ng pagkain

Makikikain na rin ako dito. Dahil malamang luto ito ni Mommy. Masarap pa naman magluto ang Mommy ko.

"Pupunta tayo mamaya kila Tito Zero mo. Please wear something na mas maayos mamaya, ok?" Sabi ni Daddy

"Maayos naman po ang suot ko ah?"

I'm wearing a pink checkered blouse tsaka jumper shorts na medyo maikli

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I'm wearing a pink checkered blouse tsaka jumper shorts na medyo maikli. Tapos white high cut na shoes tsaka gamit ko uli ung pink bunny sling bag ko.

"Pabayaan mo na yang Daddy mo. Wala talagang alam sa fashion yan." Sabi ni Mommy

"Hay naku Dreana. Kinukunsinti mo kasi palagi si Drae sa mga ganyang damit eh." Sabi ni Daddy

"Alam mo Louis. Normal na ang ganyang mga damit sa panahon ngayon. Cute kaya, uso kaya iyan. Tsaka hindi na bata si Drae. Kaya niya na ang sarili niya."

"Oo nga naman Daddy. Hindi na po ako bata." Sabi ko at lumapit ako kay Daddy at yinakap siya

"Hay naku! Oo na, sige na. Hindi ka na bata. Kaya kung pwede mamaya mas formal naman yung isuot mo. Mukha kang elementary diyan sa damit mo eh. At pwede ba, pakihabaan ang suot mo na shorts." Sabi ni Daddy

"Opo Daddy."

Masyadong overprotective sa akin si Daddy. Nag iisang babae kasi ako tapos bunso pa. Pero sa totoo lang minutes lang ang pagitan namin ni Lou. Nag iisang lalaki lang din naman si Lou pero kasi nga lalaki siya kaya hindi ganun ka OA si Daddy sa kanya. Tsaka si Lou isa pang overprotective sa akin yun. Kahit naman kasi madalas kaming nag aasaran alam ko naman na mahal ako nun. And ganun rin naman ako sa kanya.

Amici Per Sempre : Prologo (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon