Chapter 5

70 5 0
                                    

Rielle's POV

"Good morning Maam Elisha!" bati ng mga empleyado ng Davis Artist Agency na nakakasalubong ko

"Good morning!" bati ko pabalik sa kanila

Nandito ako ngayon sa Davis Artist Agency, ang company ng family ni Mommy. Isa ito sa mga kilala na agency sa showbiz industry.

Didiretso na dapat ako sa conference room kanina kaso biglang tumawag si Ate Leah, ang manager ko, na na-move daw ang meeting an hour from now.

Kaya tatambay na lang muna ako sa Fatto Con Amore Cafe na branch dito sa DAA.

"Hello po Ms. Elisha. Pwede po ba magpapicture ang anak ko kasama niyo? Fan na fan niyo po kasi siya eh." sabi ng isang ginang na may kasamang batang lalaki na mukhang nasa 7 years old pa lang

"Sure po" nakangiting sabi ko at pumwesto na para makapag papicture kasama ang bata

"Salamat po talaga"

"Thank you po Ms. Elisha." cute na sabi ng bata

"Thank you rin. Be a good boy ah, hope I can see you uli." sabi ko sa bata at yinakap ito

Nang makaalis ang mag ina ay napaligiran na ako ng ibang tao na gusto rin magpapicture, pero pumaligid na rin ang mga body guard na malamang ay ipinadala nila Mommy.

"One cup of iced americano. Take out." pag oorder ko

Agad naman na hinanda ng crew ang order habang nakatayo ako doon naghihintay.

"Ah, excuse me Miss. Nandito ba ngayon si Maam Drae niyo?" tanong ko sa crew na umaasikaso sa order ko

"Ay yes po Maam Elisha. Nandito po ngayon si Maam Drae." sabi nito

Nagpasalamat ako pagkabigay niya ng order ko.

Since hindi naman ako makakaupo ng matiwasay dito sa loob ng cafe, doon na lang ako sa office ni Drae.

Nang makapasok ako sa office ni Drae ay nakahinga na ako ng maluwag.

"Oh anyare sayo? Bakit para kang may tinataguan diyan?" sabi ni Drae na nakaupo sa swivel chair niya

"Nakakaloka, gusto ko lang naman uminom ng kape. Bakit ang daming tao bigla?" sabi ko sa kanya at umupo sa may sofa doon

"Nagtaka ka pa. Eh bigla ba naman pumasok ang isa sa mga pinaka sikat na actress slash model, edi natural na magkukumpol ang mga tao dito." sabi niya at lumipat na ng pwesto, pumwesto sya sa tabi ko

"I'm tired. Wala pa akong matinong tulog!"

"Wala ka naman magagawa. Trabaho mo yan eh."

"Bakit nandito ka nga pala? Hindi ba madalas asa main branch ka?" tanong ko kay Drae

"Eh nagkaroon kasi ng problema sa stock dito kaya nagpunta ako. Ayos naman na, kaso tinatamad na ako bumalik, kaya dito na lang muna ako hanggang sa mag closing." paliwanag nito

"Ay nga pala, ano ung sasabihin nila Tita sayo? Diba kaya ka pinauwi nung nakaraan dahil doon?"

"Hindi nga natuloy eh. Bigla kasi silang kinailangan na pumunta sa Manila. Sabi nila pag uwi na lang daw nila sasabihin. Ang weird nga eh, pwede naman nila sabihin through phone."

Amici Per Sempre : Prologo (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon