Chapter 2

60 0 0
                                    

NADINE'S POV

"Yes hanggang Wednesday. Thank you dear cousin. Oo, baka mga after lunch na kami makarating diyan. Sige, see you later. Bye."

"Who are you talking to?" tanong ni Alex

"Ahh, yung pinsan ko na may ari nung Paradiso Dell' Amore. Hindi kasi ako nakatawag kagabi eh."

"Anong oras daw ba tayo aalis?"

"Hindi ko alam eh. Pero dadaan pa ata tayo ng mall bago pumunta doon eh. Kaso mukhang mamaya pa tayo makakaalis. Tulog pa ata sila eh."

"Gisingin na kaya natin? Malamang magtatagal rin tayo sa mall knowing Rielle, pinakamaikli na ang 2 hours na andun tayo."

May point si Alex. Malamang magtatagal kami sa mall nito. No choice, kailangan ko ng gisingin ang mga ito.

Pumunta ako sa may sala at pinindot ang isang button doon.

Wala pang isang minuto ng pindutin ko iyun ay nagsilabas na sila sa mga kwarto nila.

"My gosh Nadine! Ang aga aga pa!" sabi ni Rielle na magulo ang buhok at nakapikit pa ang mata

"Naddie, panira ka naman ng tulog eh. Ang ganda na ng panaginip ko eh." sabi naman ni Drae

Si Lean at Dee naman ay bumaba na at tumabi kay Alex sa may dining.

Yung pinidot ko kasi ay alarm na nakaconnect sa bawat kwarto namin, iyun ang ginagamit naming pang gising sa isa't isa pag dito kami natutulog.

"Anong maaga? 7 AM na kaya. Mag ayos na kayo dahil 9 pupunta pa tayo sa mall. Tapos dapat mga 11 makaalis na tayo dito, 2 hours ang byahe papunta sa Paradiso Dell' Amore. Kailang 2 in the afternoon andoon na tayo."

"Magsikain na kayo bago kayo maligo." sabi naman ni Alex

Wala na silang nagawa kung hindi pumwesto na sa dining at kumain kahit na inaantok pa sila.

Mga 8 AM ay natapos na kami sa pagkain kaya isa isa na silang umakyat sa kanilang mga kwarto para makapag ayos.

"Ako na ang maghuhugas nito. Mag ayos ka na." sabi ni Alex ng matira kaming dalawa dito sa baba

"Hindi na, ilagay na lang natin sa dishwasher para makapag ayos na tayo pareho." sabi ko at tumango na lang siya

Magkatulong namin na niligpit ang lamesa. Pagkatapos ay umakyat na rin kami.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Nakaayos na rin naman na ang mga dadalhin ko sa resort kaya wala na akong kailangan pa na asikasuhin.

Mga quarter to 9 ay bumaba na ako sa sala upang hantayin sila.

As usual kami uli ni Alex ang nauna na makapag ayos kahit na kung tutuusin ay kami ang nahuli na umakyat kanina.

"Napakatagal talaga kumilos ng mga iyun." sabi ko kay Alex

"Hindi ka pa nasanay." natatawa na sagot niya

"Grabe kayo, pinagchichismisan niyo na naman kami." sabi ni Drae

"Huwag na kayo magdrama. Kailangan na nating umalis. Anong oras na oh." sabi ko para natapos na ang usapan dahil knowing them malamang magdradrama pa ang mga iyan

Sabay sabay na kaming bumaba dala ang mga gamit namin.

"Sino nga pala ang magdradrive papunta?" tanong ni Lean

Nagtitinginan lang sila at wala ni isang sumagot.

"Ako na lang." sabi ko dahil mukhang wala naman silang balak

"Ayun! Thankies Naddie." sabi ni Drae

"Mauna na kayo sa sasakyan, ayusin niyo na ang mga gamit niyo doon. Magbibilin lang ako dito." sabi ko at binigay ko ang susi ng van kay Alex

Amici Per Sempre : Prologo (Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon