1

34 0 0
                                    

PAG-IBIG SAYONG MULI

Bakit ganito aking nararamdaman?
Akala ko'y wala ng pag ibig sayo kailanman
Ngunit ako pala ay nagkakamali
Dahil ang puso'y biglang tumibok sayo muli

Kaytagal ng panahon ang nakalipas
Nang ang pag ibig para sayo ay kumupas
Bakit nga ba ika'y aking kinalimutan?
Dahil ba ako'y lubusang nasaktan?

Bakit ngayo'y pag ibig ay bumabalik?
O sadyang ako lang ay nanunumbalik?
Pagmamahal na matagal ng ninanais
Ito ba'y akin ng makakamtan ng labis?

Pag ika'y sa aki'y lumalapit
Pintig ng puso'y humahapit
Di malaman aking gagawin
Kilig na nararamdaman paano pipigilin?

Kailan ba natin tototohanin
Itong ating mga damdamin
Ikaw nama'y aking tanggap
Dahil itong puso'y ikaw ang hanap

Isusugal aking pag ibig na nararamdaman
Kahit pa ito'y walang kasiguraduhan
Dahil sa pangawalang pagkakataon
Ikaw sa 'king puso'y muling bumaon

Di ba natin maaaring subukan
Pag ibig na nais makamtan
Ika'y aking di sasaktan
Pangako yan sa magpasawalang hanggan

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon