5

13 0 0
                                    

PAALAM

Mahal, paalam sa ating pinagsamahan
Pinagsamahan na puno ng kasiyahan
Pinagsamahan na nabalot ng pagmamahalan
Pagmamahalan na akala nati'y wala nang katapusan
Ngunit iyon pala ay hanggang akala lamang
Akala na nauwi na nga sa wala

Pero wag mag alala, sa aking pamamaalam ating mga alaala ay di ko kakalimutan
Mga alaala na kahit kelan ay di na maibabalik pa
Mga alaala na hanggang alaala na lamang

Salamat! Salamat sa binigay mong pagmamahal
Pagmamahal mo sakin ng buong buo
Buong buo na parang ako lang mag isa sa puso mo
Sa puso mong di lang pala ako ang tinitibok
Sa puso mong matagal na palang may ibang nag mamay-ari nito

Mahal sa oras na ito, ikaw ay akin ng papakawalan
Papakawalan dahil yun ang tama
Papakawalan dahil ako ay masyadong nasaktan
Nasaktan sa pagmamahal na di ko alam kung tunay nga ba

Sa aking desisyon, sana ako ay hayaan
Hayaan na makalaya muna
Makalaya sa lahat ng sakit na aking naranasan
Sakit dulot ng ating pagmamahalan
Pagmamahalan na di na kailanman mauulit pa

Mahal, ang tangi kong hiling
Ika'y maging masaya
Masaya kasama ang iyong taong minamahal
Taong mahal mo ng lubusan
Taong di mo kayang mawala
Na pag siya'y nawala ay iyong ikamamatay

Ako'y wag na kaisipin pa na tulad ng dati noong ako ay mahal mo pa na di ko alam kung tunay ba
Dahil ngayon ako ay masaya na
Masaya dahil malaya
Masaya dahil sa isang tao
Masaya na tayo ay magkaibigan
Magkaibigan na kahit kailan ay di mawawakasan

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon