6

10 0 0
                                    

IMAHINASYON

Hindi ako makapaniwala
Na ika'y umamin sa akin
Ako ay napatulala
Nang ang mga salita'y iyong sambitin

Salamat sa Diyos, hiling ko'y sinagot
Na ako'y alisin sa isang bangungot
Bangungot kung saan hindi magkaroon ng tayo
Sa mundong ayaw yata tayong ipagtagpo

Masaya ng ako'y iyong ligawan
Puso ko'y muling nabuhayan
Nagkaroon ng pag-asa na tayo ay magkatuluyan
Dahil ikaw ang gusto makasama sa magpasawalang hanggan

Dumating ang araw na ika'y sasagutin
Pintig ng puso'y di mapakali
Nang ang salitang "OO" ay akin ng sambitin
Kaba ay nawala ng ika'y nakitang ngumiti

Pagmamahal na matagal ng inaasam
Sa wakas ay atin ng nakamtan
Bubuo tayo ng masasayang alaala
Sa pagitan lamang nating dalawa

Ngunit teka! Ako ay natauhan
Nang tapikin ng aking kaibigan
Kaibigan ko talaga ay panira
Imahinasyon kong binubuo'y kanyang sinira

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon