8

11 0 0
                                    

Kaibigan, nagkita na naman tayo
Di mo alam kung gaano kasaya itong puso ko
Alam mo bang napaindak mo ito?
Dahil ganoon na lang ang epekto mo dito

Mata ko'y napatitig sayo
Na wari'y ngayon lang ikaw nakatagpo
Pilit kong iniiwas ang mata ko
Ngunit patuloy itong tumitingin sayo

Nang ika'y akin ng makausap
Kakaibang saya ang aking nadama
Mga binibitawan mong pangungusap
Parang musika sa aking tenga

May binitawan kang salita
Na sadyang di ko makalimutan
Ngunit di ko na ito sasabihin
Dahil baka ako'y iyong mabunyag

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon