NANG DAHIL SA TUKSUHAN
Isang araw na tayo ay magkakasama
Ating mga kaibigan ay walang magawa
Kaya tayo'y tinukso nila sa isa't isa
Na "kunwari'y tayo daw dalawa"Umabot tayo sa isang buwan na ganoon
Nakuha mo pang batiin ako sa araw na yon
Nagulat ako sa pagbati mo
Kaya sinakyan ko ang trip moUmabot pa ng ilang buwan ang tuksuhan
Dahil sa tayo pa ay nagkakatuwaan
Hanggang sa ika'y muling nagustuhan
At ito'y di na mapigilanNgunit damdamin ay kailangan pigilan
Dahil ako'y di mo magugustuhan
Sapagkat sabi mo raw, tingin sakin ay kapatid lamang
Kaya napakasakit ng ito'y aking malamanPero may nakapagsabi sa akin
Ako raw ay nais mong tanungin
Ngunit bakit ang tanong ay di nakarating saakin?
Dahil ang sagot ko nama'y di ka bibiguin