10

13 0 0
                                    

PAALAM SA HULING PAGKAKATAON

Mahal, sa'king buhay ika'y nagbalik
Pagmamahal sayo ay muling nanumbalik
Anong dahilan ng iyong pagbalik?
Pagmamahalan ba nati'y maibabalik?

Binigyan tayo ng panahon
Magkasamang muli sa huling pagkakataon
Na sulitin ang nalalabing panahon
Para sa masaya nating relasyon

Mahal, salamat sa pagmamahal mo
Na walang makakapantay na kahit na sino
Salamat din sa pagdating mo
Ang buhay ko'y naging masaya dahil sayo

Ngunit mahal dumating na ang oras
Oras kung saan kailangan na naman nating magpaalam
Magpaalam sa isa't isa panghabang-buhay
Magpaalam sa relasyong nabigyan natin ng kulay

Napakasakit sabihing 'mahal paalam'
Sa taong minahal ko ng lubusan
Ngunit ito'y kailangan
Para ika'y akin ng mapakawalan

Mahal, sa huling pagkakataon
Gusto kong sabihing ika'y mahal ko
Hindi man sang-ayon sa atin ang panahon
Naging masaya naman tayo kahit ito'y patago

Mahal narito na tayo sa dulo
Kung saan bibitawan ko na ang mga kamay mo
Mag iingat ka mahal ko
Kahit saan ka man magtungo

Ngunit mahal, aking sisiguraduhin
Sa pangalawang buhay natin
Ika'y aking hahanapin
Para ituloy ang pagmamahalang pinagkait ng tadhana sa atin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon