PAGKAKAIBIGANG AYAW MATULDUKAN
Akala ko ay akin nang masasambit
Nararamdamang matagal ng binibitbit
Ngunit umuurong dila pag ika'y lumalapit
Dahil na rin sa mga ngiti mong nakakapamilipitKaibigan ano itong ginawa mo?
Bakit ika'y di mawala sa isipan ko?
Pati saking puso ikaw ay nanggugulo
At ikaw rin ay umukit na ditoLumalim na yata ang pagtingin sayo kaibigan
Ngunit paano ko ito pipigilan?
Ika'y ayokong malayo sakin
Kahit na hanggang kaibigan lang kung ako'y ituringKaibigan kung ito'y aking sasabihin
Pagkakaibigan sana'y wag malamatan
Sapagkat ito'y di kayang tanggapin
Dahil pagkakaibigan nati'y ayaw mawakasan