HULI NA
Pagmamahal na nais maramdaman
Bakit hindi ko makamtan
Ako ba sakanya ay hindi sapat?
Kahit ang pag ibig ko ay tapatMinahal ko siya ng kaytagal
Kahit ito ay bawal
Ano aking magagawa?
Puso ko'y wala ring nagawaTiniis ko lahat ng sakit
Sakit sa katotohanan
Sa katotohanan na di tayo pede
Sa kadahilanang ika'y nakatali sakanyaKaya aking napagpasyahan
Ika'y akin ng bitawan
Ayaw ko ng masaktan
Sa mga salitang di ko alam kung makatotohananNgunit bakit kung kailan ako bumitaw
Saka nakita aking kahalagahan
Kailangan pa pala talaga bumitaw
Para makita na ako'y may halagaHuli na para ika'y bumawi
Dahil ang sakit ay di na mapapawi
Para kang buhawi
Na nag iwan ng lamat sa puso kong sawi