9

11 0 0
                                    

BUTI KA PA

Bakit ganito aking nararamdaman?
Puso ko'y parang tinatapakan
Banggitin niya lang ang iyong pangalan
Ako'y tila nasasaktan

Babae napakaswerte mo
Dahil ika'y mahal ng taong mahal ko
Kahit gusto ko siyang maging akin
Ay di maaari dahil ako'y di niya napapansin

Buti ka pa gusto niya
Ako kaibigan niya lang
Buti ka pa laging bukambibig niya
Ako? Hindi naging bukambibig kailanman
Buti ka pa inaalala niya
Ako? Oo inalala niya ngunit bilang kapatid lang
Buti ka pa maganda
Ako kase hindi maganda tulad mo
Buti ka pa matalino
Ako kase hindi ganoon katalino

Bakit ikaw pa ang mahal niya?
Hindi mo naman maibalik ang pagmamahal na gusto niya
May mahal ka ng iba
Kaya maaaring layuan mo na rin siya

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon