LS Chapter 1
Someone's PoV
Maaga akong nagising ngayon para puntahan sya. Paano ba naman kung di ko gagawin 'to baka masira nya na ang pinto ng condo ko. Like the last time na nalimutan ko syang sunduin.
While on my way napatitig uli ako sa napakalaking billboard along EDSA.
"She's so pretty.", wala sa sarili kong bigkas. She's wearing a sports apparel a beach volleyball one, with her short hair a little messy and a splash of water as her background. Her eyes are so candid and mesmerizing. Napangiti na lang ako. So distracting view along EDSA.
Nagulat na lang ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na busina. Mukhang kanina pa ata ang green light. Ang aga-aga ko pa atang mapapaaway. Distracting indeed.
Agad ko ng pinaharurot ang kotse ko bago pa man ako babain ng ibang motorista sa likod ko.
Dapat talaga hindi na naglalagay ng ganung billboard along EDSA. Nakakadistract.
Mukhang late nanaman ako. Siguradong mabubungangaan nanaman ako ng babaing yon. Good luck sa akin.
Someone's PoV
Napabalikwas na lang ako ng bangon sa tunog ng cellphone ko. Shit! Nagmadali akong nagtungo sa CR ng mapagtanto ko ang oras. Damn! Di naman ito yong time na sinet ko. Nakailang snooze na ba ako?
Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Naratnan ko naman si mama sa kusina. Si mama? Anong ginagawa ni Mama rito? Pano sya nakapasok dito sa condo ko?
Yah right! Binigay ko pala rito ang duplicate.
"good morning!", masiglang bati ng Mama ko ng mapansin akong nakatingin lang sa kanya.
"good morning ma.", masigla ko na ring bati rito. Late na ako. Damn! Asan na ba yong babaing yon.
"May lakad ka ba? kumain ka na muna.", At tsaka ito lumapit sa akin at ginaya ako sa dining table.
"ma late na ako. May presscon ako ngayon.", pagtanggi ko pa dapat kaso sinamaan na ako ng tingin. Aargh! Late na ako. Makakalbo ko talaga ang babaing yon.
"kumain ka. Nangangayayat ka na dahil dyan sa trabaho mo.", pagpuna nito sa akin tyaka nito nilagyan ng kanin, sunny side up at bacon ang plato ko. Oh no! Fats.
"ma may shoot pa ako. I can't eat all that. Magkakalaman ang tyan ko.", pagrereklamo ko. Pero sa halip na pakinggan ako sinamaan pa ako ng tingin.
"Mika Aereen!", mariin nitong pagkakasabi ng pangalan ko na syang nagtulak sa akin para kainin ang nasa plato ko. Aaarg! Nakakainis.
After kong kumain agad naman akong bumalik ng kwarto ko para magtoothbrush. Mahirap ng makasalubong ng mga fans at bumati sa kanila na amoy bacon at itlog ang hininga ko. Wala na! Late na talaga ako. Idagdag mo pa ang babaing yon na late rin.
Someone's PoV
Mabilis akong bumaba ng kotse ko at nagtungo sa unit nito. Siguradong sandamakmak nanaman na Pagrereklamo ang matantanggap ko rito.
Aba't kasalanan ko bang traffic at may distracting view akong nadaanan.
Nagdoorbell na ako. Pero nagulat ako ng si Tita ang nagbukas ng pinto. Di nya naman sinabi andito pala si Tita.
"Good morning po tita!", masigla kong bati rito.
"good morning din Ara ang aga mo naman.", nakangiting bati sa akin ni tita at pinapasok na ako.
"nagpapasundo po kasi e.", sagot ko rito at sinundan ito sa kitchen. "gising na po ba?", pagtatanong ko.
"gising na. Pumunta lang ng kwarto nya. At mukhang mainit ata ang ulo. Magkape ka muna.", sabay lapag ni tita ng kape sa harap ko dito sa counter table ng kitchen.
BINABASA MO ANG
Love Square (Mika Reyes - Alyssa Valdez - Ara Galang - Denden Lazaro
RomanceMahal kita, mahal mo sya pero mahal nya iba. Di ba pweding ako na lang? Tayo na lang?