LS Chapter 9 V2
Alyssa's PoV
I'm on my way sa site kasi i found out na may pinalitang design si Vic sa napagkasunduan na naming desenyo ng bahay. Di naman ako galit, at least she should have consulted us na muna before she changed it.
Pagkarating ko wala sila sa labas ng bahay, kaya naisipan ko ng mag-ikot nakita ko namang masinsinang nag-uusap ang partner nito at si Vic. Ria ata yong pangalan nya. Mukhang nagtatalo pa ang mga ito, di naman nila ako napansin.
Lalapitan ko na sana para batiin pero mukhang seryoso ang pinagtatalunan nila. Alam kong masamang nakikinig sa usapan ng iba, pero masama ring sumingit sa taong nag-uusap.
"Listen carefully Ara, di nyo 'to bahay. Bahay nila. Kaya wala kang karapatan to change anything.", nagpipigil na inis na saad ni Ria rito. Anong bahay nyo ang pinagsasabi nito?
"C'mon Ri, alam mong mas gusto nya ang ganung design. You should know, andun ka nong nagkikwento sya. Remember?", nakangiti nitong sagot kay Ria. Wait..... Wait, bahay ko pa ba 'tong pinagtatalunan nila o ibang project nila?
"Yes I was there pero Ara iba noon iba ngayon. And just to remind you, matagal na yon. Baka nagbago na ang taste ni M-", di ko na masyadong narinig ang sinasabi ni Ria ng makaramdam ako ng tao sa likuran ko.
"Andito ka na pala. Kanina ka pa?", tanong ni jessey sa akin. Ng lingunin ko ang dalawa pareho na rin itong nakatingin sa akin. Wala naman akong mabasa sa anyo ng mukha ni Vic, pero kay Ria? Nakikita kong parang di ito mapakali.
"kakarating ko lang. Hinahanap kita.", hinahanap ko naman talaga sila, kaya nga dito ako napadpad sa kusina nitong bahay kung san nag-uusap sina Ara at Ria.
"Ah ganun ba. Since you're here na and Ara is here too pwede na siguro-", di na natapos ni jessey ang sinasabi nito ng magsalita si Vic.
"I heard, di mo nagustuhan yong pagpapalit ko ng design sa harap.", seryosong saad nito. Na ang dating sa akin ay tipong napaka-arogante.
"Ara!", sita naman ni Ria rito.
"kasi pag nilagyan natin ng bricks yong tapat ng terrace mas magiging attracrive sya since 2nd floor. Mas makikita. Halika papakita ko sayo.", nakita ko namang napailing na lang si Ria rito. Si Jessey naman akala mong manghang-manghang nakikinig kay Vic. She really must like her a lot.
"Look,", turo nito sa laptop nya kung san naruruon ang design nitong bahay.
"pagplain lang tong part na 'to magiging boring ang front ng bahay, di mo naman na kailangan alalahanin kung magkucomplement ba sa kulay ng wall yong bricks kasi there are different kinds of bricks in the market now .", i remember one time Mika and I talked about what kind of design she wanted. Actually this house was here idea. Yong kanya nga lang bungalow, pero kasi ako gusto ko may taas.
"and yong puro glass na wall sa may hagdan? I did changed it, putting a glass here will not complement anything", tinutukoy nito yong tapat ng bahay na gusto ko nakasalamin lahat
"At yong sa may swing? Pinalitan ko ng bermuda grass kaisa nakasemento, mas safe.", saad pa nito. So pinalitan nya na yong buong design ng bahay? Nag-uumpisa ng umakyat yong inis ko rito. Pero I have to maintain my composure kasi lahat ng pinalitan nito, yon yong mga bagay na pinagtatalunan namin ni Mika non. Yong pinagtatalunan ba nila ni Ria kanina was about my house o other house?
"Okay!", tangi kong nasagot. At bumuntong hininga.
"Sabi ko na e!", biglang saad ni Jessey. Napatingin naman kaming tatlo rito.
"na magugustuhan mo. Actually I did like ito too.", masigla nitong saad. Nakita ko namang nakahinga ng maluwag si Ria. Kahit na inis ako, kailangan kong kumalma. Ang daming tanong ngayon sa isip ko. Bakit di nya to prinesent nong unang napag-usapan namin ang tungkol sa bahay? Napakaweird how she do it and the weirdest part? Hinahayaan ko lang sya. Kung tutuusin I can replace her whenever I want dahil sa ginawa nya. I still have Jessey as my Architect. Kaya kong magbayad ng iba pang Engineer.
BINABASA MO ANG
Love Square (Mika Reyes - Alyssa Valdez - Ara Galang - Denden Lazaro
RomanceMahal kita, mahal mo sya pero mahal nya iba. Di ba pweding ako na lang? Tayo na lang?