LS Chapter 7
Mika's PoV
Maaga akong nagising ngayon. I'm at peace now knowing na wala naman dapat akong ikabahala. I know I acted so immature last night. Di ko rin alam kung bakit, natatakot lang siguro akong maiwan uli.
"good morning.", bati ko rito, namumungay pa ang mga mata nito. Dito na rin sya natulog kagabi. Late na rin kasi kung pauuwiin ko pa.
"good morning babe.", sabay mabilis na halik nito sa labi ko. Napangiti tuloy ako.
Agad naman itong bumangon at nagtungo sa CR.
"babe wala kang shoot ngayon?" tanong nito habang naghahalungkat sa damitan ko. Same size naman kami kaya nasusuot nito ang mga damit ko kapag ganitong matutulog sya rito. May mga damit naman ito na nasa cabinet pero mas gusto nya lang suutin ang damit ko.
"grocery lang ako ngayon babe. Dito ka ba magdidinner?", lumapit na ako rito, at tinulungan syang mamili ng susuutin.
"di ko alam. Depende kung anong oras matatapos ang training namin mamaya. Malapit na rin kasi kaming umalis.", sagot nya at inangat ang isang jersey.
"athlete ka pala dati babe?", saad nito habang tinitingnan ang jersey. "number 8? Rival school tayo? Hey ikaw ba yong sinasabi nilang ace ng rival school namin na bigla na lang tumigil sa paglalaro?" mangha nitong saad. Agad ko namang kinuha ang jersey na hawak nya at tinabi. Di naman na ito nagtanong pa ng iabot ko ang susuutin nya.
"dito ka ba magbibreakfast? Magluluto ako.", tanong ko rito.
"di na babe. Late na ako sa training namin. Drive thru na lang ako. Tawagan kita mamaya after training.", saad nito ng makabihis.
"mag-iingat ka. Magbreakfast ka ha?", sabay halik ko sa pisngi nito.
"yeah! I will. Bye! I love you.", pahabol pa nito.
"I love you.", sagot ko bago ko tuluyang isara ang pinto.
Agad naman akong bumalik sa kwarto ko at tinitigan ang jersey na nakita ni Alyssa.
"kamusta ka na?", sabay angat ko ng jersey. Bago ko tuluyang tinago sa kahon kasama ng ibang gamit na binigay nya.
..
....Ara's PoV
"Mine akin na 'to ha?", pagpapacute nito.
"Mine labhan ko muna. Ang baho nyan oh.", sabay abot ko ng Jersey ko pero bigla nya itong hinawi at inamoy.
"Mine!!", sigaw ko rito. Loka-loka talaga amuyin ba ang amoy pawis kong Jersey.
"Mine di naman e.", sagot nito palayo sa akin.
"Hoi Ara anong pinakain mo dyan at pati amoy pawis mong Jersey sinasabing mabango?", pang-aasar ng teammate kong si Camille.
Nasa Gym kami ngayon at kakatapos lang din ng training namin. At yong Mine ko ayon nasa kabilang side ng Gym.
"Mahal lang ako non.", pagyayabang ko na lang.
"Mine akin na 'to ha?", sigaw uli nito habang inaamoy ang jersey ko.
"Oo na. Sayo na yan. Halika na rito.", sigaw ko rito. Lumapit naman agad ito.
"ba't kasi di ka na lang magtry-out at ng magkaron ka na rin ng jersey.", saad ni Cienne rito. Ang Libero ng team. Na kaibigan namin.
"Ayaw ko nga. Mas gusto kong i-cheer 'tong girlfriend ko.", sabat naman nito.
Parang nong unang pagkikita lang namin nong rookie days ko. May tune up game kami against sa rival school namin.
BINABASA MO ANG
Love Square (Mika Reyes - Alyssa Valdez - Ara Galang - Denden Lazaro
RomansaMahal kita, mahal mo sya pero mahal nya iba. Di ba pweding ako na lang? Tayo na lang?