TRES

2.1K 41 13
                                    

LS Chapter 3

Alyssa's PoV

After kong maihatid si Mika dumiritso na agad ako sa gym kung san kami nagtitraining. Sakto namang di pa nag-uumpisa. Buti na lang. Pumuslit lang talaga ako kanina para masundo sya. Nangako kasi akong ako maghahatid rito.

Mabilis na akong nagpalit ng pang-training ko.

"para kang si flash ah.", pang-aasar sa akin ni Kim ng makalapit ako rito. Maliban sa teammate ko ito matagal ko na rin itong kaibigan.

"sira.", tipid kong sagot rito.

"grabe na yang ngiting yan halos di na maalis simula nong pumasok ka sa pintong yan.", saad nito sabay turo ng entrance ng gym kung san ako dumaan.

"masaya lang ako.", sagot ko rito tyaka naupo sa bench at naglagay ng knee pad. Sa saksakyan pa lang kanina nagpalit na ako ng training shorts.

"yah yah! Nameet mo na ba yong Engineer na gagawa ng bahay?", biglang tanong nito. Umupo na rin ito sa tabi ko.

Umiling naman ako. "di pa. Pero baka within this week. Pinafinalized na lang din nila yong design nong bahay.", tyaka ko ito hinarap at nginitian.

"don't you think it's too soon? Baka mabigla si Mika.", di ko alam kung seryoso sya sa sinabi nya. Pero nakagawa na ako ng desisyon. Umiling ako uli dito bilang sagot sa tanong nya.

"kahit naman months pa lang kami Kim ang tagal din nong process bago naging kami. Tyaka hindi naman sa haba yan ng pinagsamahan. I love her. Alam mo yan. And i need to be with her.", sagot ko rito. And I'm serious with this one. Mahal ko si Mika. At kaya kong gawin lahat para sa kanya.

Di ganun kadali na naging kami. Kailangan naming mapapayag ang parents nya. And to be honest dumating ako sa point na gumive-up. Pero di ko nagawa kasi sya mismo tinutulungan akong makumbinsi ang parents nya. Ganun din sa parents ko.

"I know. Buti na lang okay na kayo both sides. Happy for you both.", sabay tap nito sa shoulder ko.

After our short talked nagstart na rin ang training namin. May sasalihan kasi kaming league overseas. Kaya bago kami umalis dapat makausap ko na ang Engineer na gagawa ng dream house ni Mika. Naeexcite ako. Tyak matutuwa syang makita ito right in front of her.

Mika's PoV

Medyo matagal bago natapos ang presscon para sa bagong product na iendorse ko marami pa kasi kaming details na napag-usapan tungkol dito. Natext ko na rin si Alyssa na pwede na nya akong sunduin. Tapos na rin naman na daw sila.

So blessed. Family, Career, friends and love life. All in front of me. Couldn't ask for more.

"Let's go?", aya sa akin ni Tita Mel. Ang tumatayong manager ko. Sobrang thankful ako rito. Kung di dahil sa kanya di ko alam kung ano ako ngayon. She saved me. She really did. And thankful sa trabaho ko, kung di dahil dito di ko makikilala si Alyssa.

"I said lets go. Nagdiday dream ka nanaman.", pukaw uli nito sa atensyon ko. Siguro tapos na itong kausapin ng mga big boss for further details ng contract at kung kailan uumpisahan ang shoot. It will be a TV ad.

"Thank you tita Mel.", out of nowhere kong saad rito.

"Thank you nanaman. Deserved mo 'to miks. Tuwing na lang nagkakaron ka ng big project lagi ka na lang bang magtithank you?", puna naman nito sa akin. Kung yon lang ang paraan para mapaabot ko rito na sobrang grateful ako sa kanya bakit hindi? "you work hard for it. Di ko naman basta-basta na lang hinain sayo yong meron ka ngayon. Pinaghirapan mo yan.", dugtong pa nito. Kinawit ko naman ang isang kamay ko sa braso nito at sabay na kaming lumabas ng building.

Love Square (Mika Reyes - Alyssa Valdez - Ara Galang - Denden LazaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon