LS Chapter 4
Denden's PoV
Andito kami ngayon sa park malapit sa condo ko, pano ba naman kasi nakakita ng fishball itong isa. Di pa ata nakontento sa binili namin sa drive thru kanina sa Jollibee at gusto pa raw nyang kumain ng fishball.
"here oh.", abot nito sa akin ng fishball na nasa stick na may nakatusok na 3. Agad ko naman itong inabot at inirapan sya, nginitiin lang ako nito at patuloy pa rin ito sa pagtusok ng fishball sa lagayan ni manong tuwing nauubos nito ang nasa stick nya. Ang takaw talaga nito sa fishball.
"masarap diba?", salita nito ng matapos nyang uminom ng gulaman na tinitinda rin ni manong. Tuwing pagkatapos namin kumain nito, ito agad ang tinatanong nito sa akin. Ilang beses na ba kaming kumakain kay manong?
"Alam ko. Lagi kaya tayo rito.", pagtataray ko rito. Nagsmirk naman ito sa inasta ko.
"Alam mo, iisipin ko na talaga na araw-araw kang nagkakaron. Ang sungit mo e.", Pagbibiro nito ng mabayaran nito ang kinain namin at naglakad-lakad. Ugali na nito ang maglakad tuwing pagkatapos kumain. Kaya ito kami. Paikot-ikot lang dito sa park.
"Anong sabi mo?", pagtatanong ko rito ng nakataas ang boses. Tumawa naman ito at inakbayan ako.
"nagbibiro lang ako. sungit!", Bigla naman itong napahinto at napatingin sa di kalayuan. Swing.
"gusto mo?", tanong ko rito. I mean kung gusto nyang sumakay kami sa swing. Ganito naman 'to e. tuwing laging nakakakita ng swing. Matutulala, tapos pag-aayain ko ayaw naman. Just like now. Umiling lang ito inakay na akong maglakad.
"san yong next Mission nyo?", tanong nito habang naglalakad kami patungo sa kotse nya.
"Isang araw lang yon. Kanina lang.", sagot ko rito. Di nagtagal nakarating na rin kami kung san ito nagpark. Pinabuksan na rin ako nito ng pinto at mabilis itong nagtungo sa driver's seat.
"bat di ka pala sumama sa happenings nyo?", tanong nito ng maayos na itong makasakay.
"pagod na ako. And besides alam ko rin namang pagod ka na rin.", sagot ko rito.
Di naman kalayuan ang condo ko sa park kaya agad rin kaming nakarating rito.
"pwede bang dito na lang ako matulog?", sabay higa nito sa sofa ng makapasok kami. "tinatamad na akong umuwi magdrive.", dugtong pa nito. Pero nakapikit na ang mga nito.
Naawa tuloy ako. Baka napagod talaga kanina.
"nasa kwarto yong mga gamit mo. Magpalit ka na muna bago ka matulog.", utos ko rito.
"Thanks. I'll take the shower first.", tyaka ito tumayo at nagtungo sa kwarto ko.
"coffee or tea?", sigaw ko rito. Nasa kitchen na kasi.
"anything.", sigaw nito mula sa kwarto. Di naman ganun kalaki ang pad ko. 2 rooms, then small living room and then kitchen. Enough for my self.
Nag-ewan din pala ng note ang mama ko bago umalis. Telling me na nagluto ito ng pagkain at initin ko na lang.
Agad ko namang dinala sa terrace ng kwarto ko ang hinanda kong tea para sa aming dalawa. Kakatapos lang rin nitong maligo. Nagpapatuyo na lang ng buhok.
"di ka maliligo?", tanong nito sa akin ng makusunod rito sa terrace at naupo sa tapat kong upuan.
"mamaya na siguro. Akala ko ba may project kang tinatapos?", pag-uusisa ko rito.
"yah. I have. Tatawagan ko na lang yong Arch na nameet ko sa seminar dati para mafinalized na namin at mameet ko yong client.", sagot nito tyaka uminom ng tea.
BINABASA MO ANG
Love Square (Mika Reyes - Alyssa Valdez - Ara Galang - Denden Lazaro
RomanceMahal kita, mahal mo sya pero mahal nya iba. Di ba pweding ako na lang? Tayo na lang?