LS Chapter 10
"Ayan na lapitan mo na kasi.", tulak ni Ria sakin. Lalapitan ko? Mapahiya pa ako eh.
"Ano ka ba, baka mamaya anong isipin nyan. Isa pa ang kambal naman ang pinunta nyan dito. Wag ka ngang magulo.", sagot ko na lang rito ng di inaalis ang tingin sa kanya. Kakapasok lang nito dito sa gym, kasalukuyan kasing nasa training kami.
"Alam mo ang kupad mo talaga, second semester na. Naging kaklase mo na sa isang subject mag-uumpisa na ang volleyball season pagkatapos wala ka pa ring ginagawa para man lang magkakilala kayo?", di ko alam kung nang-aasar 'to o pinapalakas ang loob ko. Buti sana kung ganun lang kadaling lapitan ito.
"Pag ikaw naunahan walang sisihan ha?", agad ko naman itong tiningnan ng masama. May balak pa atang makipagkumpetinsya sa akin pagdating sa taong gusto ko.
"Langya! Nagbibiro lang ako. Ano ka ba. Kung makatitig ah. Hoi magkaibigan tayo. Di ko gagawin sayo yon.", agad na bawi nito ng tingnan ko sya ng masama. Alam nya na nga kung gaanu ako ka deads na deads sa taong kakapasok lang sa gym na ngayon ay nakikipagtawanan na sa kambal. At mukhang inaasar pa ng mga ito.
"Alam mo lapitan mo na. Matutunaw na yan sa ginagawa mo e.", sabay mahinang tulak nito sa akin.
"Nahihiya nga ako diba? Tyaka baka di naman interesado, mapahiya pa ako. Gaya nong una ko syang nilapitan.", nanlulumo kong sagot. Ilang beses ko na ba itong sinubukang lapitan?
"Sira ka pala e. Di ka nga nakita nong tao, tyaka ano namang alam non e bigla ka na lang bumuntot sa kanya sa canteen, tapos ng biglang magdatingan yong mga classmates nya agad ka namang nagpatay malisya at kunyaring bumibili ng kape sa machine.", natatawa nitong saad. Tss. Kailangan bang ikwento? At ipaalala talaga sa akin? E sa bigla akong tinamaan ng hiya nong makita ko yong mga classmates nya e. Tapos sya naman walang ginawa kundi ang pagtawanan ako. Bwesit talaga. Kaibigan ko ba talaga 'to?
"Dali na, lapitan mo na.", sabay tulak uli nito. Pero di naman ako natinag dito sa kinatatayuan ko.
"Bahala ka nga. Ikaw din. Oh ayan na oh, aalis na. Dali na sundan mo na.", bigla namang nakaharap sa gawi namin ito kaya agad na akong umiwas ng tingin at kunyaring may pinupulot sa gamit ko.
Tanga ka talaga Ara. Mamaya isipin non ang snob mo. Ngumiti pa naman ata, hay asar. Napahampas na lang ako ng towel na hawak ko.
"Aray! Ano ba!", reklamo ko ng may maramdaman akong hampas ng kung ano sa likod ko.
"Tanga ka talaga! Ba't ka naman tumalikod? Nawala tuloy yong ngiti nya. Mukhang dismayado.", baka sakaling maniwala ako kung di galing sa kaibigan kong ito yong mga salitang yon. Ba't naman sya madisdismaya dahil tumalikod ako? So ngumiti nga sya dito sa gawi namin?
"Wag ka ngang imbento.", sabay hampas ko na rin ng towel ko rito.
"Sira ulo ka talaga!", sabay ipit nito ng ulo ko sa braso nya at gulo ng buhok ko.
"Ang torpe! Torpe! Torpe! Torpe mo talaga. Wala na. May chance na pinalagpas pa.", at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pag-ipit sa ulo ko. Kainis. Porke mas matangkad sya sa akin at malakas.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah.", napahinto naman sa pananakit sa akin itong isa ng may magsalita. Ng iangat ko ang paningin ko at ilipat kay Ria ang tingin ko namumulang kamatis na ito. Okay ang exaggerated ko. Pero nagbablush talaga sya.
"Hi cienne!", bati ko rito at umayos na rin. Itong kasama ko naman di malaman ang gagawin. Torpe pala ha.
"Maka-Hi Ara ah, parang di pa tayo kaninang magkasama at nagtitraining.", napakamot na lang ako sa batok ko. Kahit kailan talaga ang hilig nitong manabla.
BINABASA MO ANG
Love Square (Mika Reyes - Alyssa Valdez - Ara Galang - Denden Lazaro
RomansMahal kita, mahal mo sya pero mahal nya iba. Di ba pweding ako na lang? Tayo na lang?