LS Chapter 5
Ara's PoV
"Mine late na tayo. Halika na.", tawag ko rito. Pano ba naman kasi nadaanan nanaman namin yong swing dito sa school. Nagpuppy eyes nanaman ito sa akin. Aaarg! Kailan ko ba matatanggihan ang babaing 'to.
"please mine. 5 mins.", paglalambing nito. Wala na akong nagawa kundi ipatong ang mga dala kong gamit sa bench. Magpipresent pa naman ako ngayon ng plano ko kay prof.
Ngiting tagumpay naman ito ng makitang tinabi ko ang mga gamit ko.
"5 minutes lang ha?", saad ko rito ng siniswing ko na ang duyan.
"mine.", sabay tingala nito sa akin kaya napayuko ako para tingnan sya. Di ko ata pagsasawaan ang napakacute na mukha nito.
"Hmm", sagot ko rito.
"I love you. Wag kang magbabago ha?", sa malambing nitong boses.
"Panong magbabago?", nagtataka kung tanong rito. Tumayo na rin ito sa duyan at naglakad patungo sa bench kung nasan naron ang mga gamit ko.
"Yong lagi mo akong pinagbibigyan sa lahat ng bagay.", saad nito ng makalapit ako rito at kuha ng mga gamit ko. Kinuha naman nito yong lagayan ko ng mga sketch plan ko at sya na ang nagdala. "mine?", tawag nito sa akin ng di ako sumagot.
"di ako magbabago. Kasi yong kaligayahan mo. Kaligayahan ko na rin. At masyado kitang mahal para not to give in sa mga bagay na gusto mong gawin.", tyaka ako ngumiti rito.
Hahalikan ko na sana ito ng makaramdam akong may tumatapik sa balikat ko.
"Ara wake up!", naramdaman kong hinawakan nito ang balikat ko. Kaya napamulat na rin ako. Panaginip lang pala.
"Ri..", saad ko rito ng tuluyan na akong magising.
"andito na tayo.", tukoy nito sa site. "sigurado ka bang itutuloy mo 'to?", tanong nito. Umayos naman ako ng upo.
"Andito na e. you know I always keep my words.", saad ko rito at bumaba ng sasakyan.
"Alam mo bang nagpapalagay ng swing si Valdez.", pagkikwento ko.
"Yah. Nakita ko yong plano.", sagot nito. "asan pala yong architect mo?", pag-iiba nito ng usapan.
"Ah si De Leon? Di sya pupunta. Pero dadaan tayong opisina nya mamaya.", nagliwanag naman ang mga mata nito. Sa seminar pa lang kita ko ng type nya na si De Leon.
"parehas na parehas sa plano mo dati ah.", tukoy nito habang iniikot ang paningin sa construction na nagaganap at sa kabuuan ng lupa. Maasahan naman yong mga tao namin kaya di na kailangan i-supervise oras-oras.
Nagtayo kami ng maliit na construction company ni Ria after kong makarecover. Sya na rin nagsuggest na magbusiness partner na lang kami, tutal parehas naman kami ng field.
"Yah. Except 2 stories 'to.", tipid kong sagot.
Tumango-tango naman ito. At inilibot ang paningin sa paligid.
-phone ringing-
"Ri sagutin ko lang.", sabay angat ko ng phone napansin naman nito kung sino ang tumatawag at binigyan ako ng smirk. Di ko na lang pinansin at lumayo na rito.
"Hello sungit.", masigla kong bati rito. Nakapagtataka lagi na lang itong nagsusungit.
Mika's PoV
"babe, asan ka?", agad kong tanong rito ng masagot nya ang tawag.
Ilang araw na rin kasi itong busy. Tatawag lang at minsan dadaan lang sa condo saglit at aalis na agad. Nasabi na rin nito sa akin na out of the country ito in 3 weeks now para sa sasalihang league ng team nila.
BINABASA MO ANG
Love Square (Mika Reyes - Alyssa Valdez - Ara Galang - Denden Lazaro
RomanceMahal kita, mahal mo sya pero mahal nya iba. Di ba pweding ako na lang? Tayo na lang?