DOS

2.6K 50 16
                                    

LS Chapter 2

Ara's PoV

"bakit ngayon ka lang!", mariing pagkakasabi nito na dahilan para maiwan kong nakaangat sa ere ang tasa ng kape na dapat kong iinomin.

Si tita naman nakangisi lang. Yah right tita.

Ng hinarap ko ito hawak ko parin ang kaping nasa harap na ng labi ko ang sama naman ng tingin nito. Napalunok na lang ako at nilapag ang tasa ng kape sa counter table.

"ahmm. Ano kasi traffic.", sinamahan ko na ng pagpapacute baka sakaling umepekto. Mas lalo naman sumama ang tingin nya na akala mo kakainin ako ng buhay.

"Promise.", dagdag ko pa sabay angat ng kaliwang kamay ko.

Dahan-dahan naman itong lumapit sa akin. Ang seryoso. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Nagulat na lang ako sa sunod na ginawa nito.

"Aray naman! Masakit ah.", sabay himas ko ng batok ko.

"Dennise Michelle!", sita naman ni tita rito.

"sorry ma.", hinging paumanhin naman nito kay tita.

"kay Ara ka magsorry.", utos naman ni tita rito.

Kaya nakangisi ako rito. Pero sa halip na magsorry inirapan lang ako nito.

"mauna na kami ma.", sabay lapit nito kay tita at hinalikan ito sa pisngi.

"oh ikaw ano pang tinatayo-tayo mo dyan. Halika na!", sigaw naman nito sa akin. Sungit talaga.

"sige po tita mauna na kami.", at humalik na ako sa pisngi ni tita.

"sige mag-iingat kayo. Pagpasensyahan mo na Ara. Masama lang gising nyan.", saad naman ni tita sa akin.

"ayos lang po tita. Sanay na po ako. Sige po.", sagot ko rito at tyaka ko kinuha ang gamit ni Den na nakalagay sa sala at sabay na kaming lumabas ng unit nya.

Nasa kotse na kami pero di pa rin ako kinakausap nito. Bipolar talaga. Minsan ang clingy at pababy. Minsan naman halos di ka papansinin. Tapos minsan susungitan ka na lang ng walang dahilan.

"oi!", sundot ko rito ng isang kamay ko habang yong isa nakahawak sa manebela. Pero yong tingin ko naman nasa daan. Eyes on the road ika nga. Ayaw ko namang madisgrasya kami.

"ano ba.", reklamo naman nito.

Napabuntong hininga na lang ako. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang drive thru. Buti na lang. Kaya agad ko ng kinabig ang sasakyan patungo rito.

"san tayo pupunta? Late na ako.", masungit pa rin na pagkakasabi nito.

Nginitian ko naman ito at umurder na ng McFlurry with oreo. Nakita ko namang kumislap ang mga mata nya ng makita ang icecream stand. Icecream lang pala katapat.

Inabot ko na rito ang McFlurry at nagpark na muna sa tabi ng makalabas kami ng drive thru at tyaka ko ito hinarap.

"Sorry na Den. Promise matraffic talaga kanina.", hingi kong tawad rito. May namuo namang ngiti sa labi nito matapos nyang sumubo. Konti na lang okay na 'to.

"Sige na. Forgiven. Pero next time ha? Alam mo na ngang may medical mission ako ngayon.", sagot naman nito. Ngumiti na rin ako.

"promise di na.", this time yong kanang kamay ko na ang inangat ko. Cause im bound to keep that promise..

"Thanks dito.", sabay angat nito ng mcFlurry na malapit ng maubos.

"takaw!", tukso ko rito tyaka ko pinaandar uli ang sasakyan at nagdrive na uli.

Love Square (Mika Reyes - Alyssa Valdez - Ara Galang - Denden LazaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon