SALAMAT na lang at natuklasan ni Miliza na hindi pa rin nagbabago ang damdamin ni Santi kay Trini. Nagkaroon tuloy siya ng ibang pagkakaabalahan—ang obserbahan at tudyuhin si Santi kapag silang dalawa na lang ang magkausap.
Noong lumipat siya sa Davao, itinigil na pala nito ang pagbibigay ng bulaklak kay Trini dahil wala na raw itong ibang mapagkakatiwalaan. Ngunit ang pagbibigay lang daw ng bulaklak ang itinigil nito, hindi ang damdamin nito para sa kaibigan nila.
Naging malapit na kaibigan din nina Trini at Pam si Santi. Tuwang-tuwa ang mga ito na magkakasama uli sila dahil buo na naman daw ang nameless group nila.
Napansin din niya ang mga pagbabago sa mga kaibigan niya. Parehong mas gumanda sina Trini at Pam. Simpleng-simple pa rin si Trini samantalang si Pam ay lumabas na ang pagiging fashionista. Mula sa maliit na hair clip hanggang sa simpleng slippers nito ay naghuhumiyaw ang expensive brand na gamit nito.
Si Santi naman ay tatlong araw sa isang linggo kung magsuot ng makapal na salamin at dalawang araw na mukhang young model. Natutuwa siya sa paiba-ibang personality nito tuwing pumapasok ito sa eskuwelahan. Hindi siya makapaniwala na fashionista na rin ito. Kung noon ay pinagtatawanan ito ng mga babae, ngayon ay ito na ang umiiwas sa mga iyon. Iisang babae pa rin daw ang nasa puso nito—iyon nga lang, torpe pa rin ito. Dinadaig pa rin ito ng takot nito sa rejection kaya mas pinili nito na maging kaibigan na lang ni Trini.
"Santi," pukaw niya sa atensiyon nito. Vacant period nilang apat kaya nasa cafeteria sila. "You used me back then, remember?"
Ngumiti ito at kaagad na lumipad ang tingin nito kay Trini na kasama ni Pam sa counter at namimili ng snacks nila.
"Sabihin ko kaya kay Trinz ang secrets mo?"
"Fine by me. Besides, hindi lang ako ang may itinatagong heart secrets sa loob ng closet, hmm..."
"This time, hindi na magwo-work ang dirty strategies mo, Santi."
"You think so?"
Mapait siyang ngumiti. Naalala niya ang anyo ni Theo sa library. "Hindi ka niya paniniwalaan. Marami nang nangyari at marami na rin ang nagbago. And he hates me..."
"Ouch!"
"Yes, ouch!" Tumingala siya para pigilin ang pagpatak ng mga luha niya. "Gusto kong magkalapit uli kami."
"Do something then."
"Pa'no ko gagawin 'yon?"
"Kunin mo ang atensiyon niya. Lapitan mo siya. Kung kinakailangang ligawan mo siya, gawin mo. Maikli lang ang buhay natin, Zhang. At sa maikling buhay na 'yon, minsan lang tayo magmamahal nang sobra kaya dapat ay ibigay na natin ang lahat."
Napatitig siya rito. Mukhang tama ito. Pero saan siya magsisimula? Paano kung hindi siya pansinin ni Theo? Paano kung i-reject nito ang lahat ng effort niya, kakayanin ba niya 'yon?
"Ibibigay mo ba ang lahat sa ngalan ng damdamin mo kay Trinz?"
"Oo naman, sa lahat ng alam kong paraan. Kung hindi pa niya nakikita ngayon na pagmamahal ang dahilan kung bakit ginagawa ko ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya, I'm hoping soon, makikita rin niya ang efforts ko," sabi nito habang nakatingin ito sa direksiyon nina Trini na abala pa rin sa counter.
Biglang may sumagi sa isip niya. Hinila niya ang braso nito. "Tulungan mo 'ko."
"Sure, basta kaya ko."
"Kaya mo, Santi,"
"Ano'ng gagawin ko?"
"Pumunta ka sa engineering department, bigyan mo si Theo ng bulaklak bago magsimula ang klase niya—everyday."
Nagkamot ito sa ulo. "Mapapagkamalan naman akong bading niyan... Pero para sa 'yo, gagawin ko."
"Hindi bouquet."
Umangat ang mga kilay nito.
Ngumiti siya. "Paper rose."
BINABASA MO ANG
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR)
RomanceKnight's Sweet Vow By Victoria Amor "Nawalan ng kakayahang magmahal ang puso ko mula nang mawala ka." Si Theo Knight ang kahulugan ng "ultimate crush" para kay Miliza, kaya lang ay best friend niya ito. Six years old pa lang siya ay kilala na siya...