"BAKIT hindi na lang tayo magtulungan, Zhang?" seryosong tanong ni Stormy kay Miliza habang nasa cafeteria sila.
Si Theo ang gusto niyang makausap pero absent daw ito ayon kay Stormy. Sa halip ay isinuhestiyon nito na sila na lang daw ang mag-usap. Hindi na siya nagulat nang sabihin nito na nahalata raw nito na may problema sila ni Theo.
Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman niya kaya inilabas niya rito ang mga sentimyento niya. Mataman itong nakinig sa kanya. Nang umabot ang kuwento niya tungkol sa nakita niyang eksena sa library ay tinanong siya nito kung ano ang hitsura ng babae. Inilarawan niya ang babae. Ayon dito, si Zyrah daw iyon, isa sa mga ex-girlfriend ni Theo.
Nagulat siya nang husto nang sabihin nito na hindi lang daw si Zyrah ang babaeng dumaan sa buhay ni Theo noong wala pa siya, marami raw. Nadoble ang sakit na nararamdaman niya. Nang tanungin niya ito kung minahal ni Theo ang mga iyon, sinabi nitong alamin na lang daw niya iyon sa sarili niyang paraan. Ang alam lang daw nito, totoo ang ngiti at tawa ni Theo kapag siya ang kasama nito. Somehow ay nabuhayan siya ng loob sa huling sinabi nito.
Kumunot ang noo niya. "Magtulungan?"
"Hindi ka sigurado sa feelings ni Theo para sa 'yo, tama?"
Tumango siya. Iniurong nito ang upuan nito papunta sa tabi niya. "Sa tingin ko, kailangan mong ipakita kay Theo na madali para sa 'yo ang makahanap ng isang lalaki na ituturing kang espesyal. Masyado ka kasing naka-focus sa kanya, kaya hayun, may avoidance drama pang nalalaman ang loko. Ang kailangan niya ay isang threat para matauhan siya. Kailangan niyang maramdaman na anytime soon, maari kang mawala sa kanya."
"Paano nga?"
"May plano ako," sabi nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkislap ng mga mata nito. "Tulungan natin ang isa't-isa. Pagseselosin natin ang babaeng mahal ko, and at the same time ay tatakutin natin si Theo," malapad ang ngiting paliwanag nito.
Mataman siyang nakinig sa mga sumunod na plano nito.
�
BINABASA MO ANG
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR)
RomanceKnight's Sweet Vow By Victoria Amor "Nawalan ng kakayahang magmahal ang puso ko mula nang mawala ka." Si Theo Knight ang kahulugan ng "ultimate crush" para kay Miliza, kaya lang ay best friend niya ito. Six years old pa lang siya ay kilala na siya...