HINDI maintindihan ni Miliza kung bakit pagkatapos ng halik na pinagsaluhan nila ni Theo—na hindi nagpatahimik sa puso at isip niya—ay tila iniiwasan na siya nito. Hindi na siya sinusundo at inihahatid nito tulad ng dati. Hindi na rin ito nagpupunta sa apartment niya tuwing weekend at hindi na rin naulit ang pagsulpot-sulpot nito sa alanganing oras ng gabi para lang dalhan siya ng midnight snacks. Kailangan niyang makausap ito para maliwanagan siya. Ang problema, lagi itong may dahilan para hindi sila magkausap. Halatang-halata na umiiwas talaga ito sa kanya.
Nabigyan lang ng paliwanag ang ikinikilos nito nang makita niya na may kausap itong magandang babae sa paboritong puwesto nito sa library. Nakasandal si Theo sa shelf habang ang babae ay nasa harap nito.
Naudlot ang paglapit niya sa mga ito nang makita niyang yumakap dito ang babae at naglapat ang mga labi ng mga ito.
napasinghap siya nang malakas. Pakiramdam niya ay sinaksak siya sa puso. nahirapan siyang huminga. Nangingilid ang mga luhang napasandal siya sa bahagi ng shelf na nasa tapat niya.
Marahil ay kailangan niyang makita ang eksenang iyon para mapagtanto niya ang totoong nararamdaman niya para kay Theo—ang espesyal na damdaming nakatago sa puso niya mula pa noong anim na taong gulang pa lang siya hanggang sa yumabong iyon noong nasa high school na sila. Saglit na natulog ang damdaming iyon sa puso niya nang magkalayo sila. Ngunit naging masidhi at mas lumalim ang damdaming iyon nang muli silang magkita.
Kaya pala hindi na niya maintindihan ang kanyang sarili nang mga nagdaang araw. Hinahanap-hanap niya ito na para bang may kulang sa kanya kapag hindi sila magkasama.
"Alam mo kung ano ang tawag diyan sa kakaibang ngiti mo at sa glow sa mga mata mo, Zhang? Love! In love ka sa best friend mo at hindi ka aware na 'yon talaga ang nararamdaman mo all along," naalala niyang sabi ni Santi nang minsang mahuli siya nito na ngumingiting mag-isa.
Tama ang kaibigan niya. In love siya kay Theo kaya nasaktan siya nang husto sa nakita niya.
style='fon2;
BINABASA MO ANG
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR)
RomanceKnight's Sweet Vow By Victoria Amor "Nawalan ng kakayahang magmahal ang puso ko mula nang mawala ka." Si Theo Knight ang kahulugan ng "ultimate crush" para kay Miliza, kaya lang ay best friend niya ito. Six years old pa lang siya ay kilala na siya...