Marami akong binagong scene sa story nato kaya yung ibang chapter naka unpublished na muna kasi marami akong babagohin sa story na ito hahaha. Kaya kung maguguluhan kayo edelete niyo na muna yung story nato sa library niyo tapos ibalik niyo nalang ulit hihi. Thank you nga pala sa mga nagbabasa nito at pasensiya na kung maraming error hihi. I'm just a new writer by the way kaya marami pakong pagkakamali but I hope soon I will be a good writer too like for those author na ina idolize ko ngayon hihi.
Thank you again and hope you enjoy reading mwuaaahhh love lots😘.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Amethyst POV*
Wahhhhh. Pagod na ako gusto ko nang magpahinga huhu.
Nagtataka ba kayo kung bakit pagod ako? well nag aadventure lang naman kami ng dalawa kung kaibigan sa lugar na I don't know the name.
Kanina pa kami nag lalakad buti nalang mataas yong suot kung pangbaba kung hindi siguro ang dami ko nang sugat, bundok kasi tong pinuntahan namin kaya expected ko na yong mga matataas na damo.
Ay oo nga pala hindi pako nag papakilala well I'm Amethyst Zampuan 18years old, 5'4 of height, maputi, mabait, mapagmahal at sabi nila maganda daw ako yieeehh but I'm not sure about it hahaha. I'm just a simple girl na mahilig mag hiking kasama ang dalawa kung kaibigan na sina Donny Vazos half boy and half girl po siya hahaha 5'7 of height 17 years old, gwapo, matalino, mapagmahal at mapagkakatiwalaang kaibigan, simula nong elementary palang kami kaibigan ko na siya simpleng tao lang din siya and ang isa pa naming kaibigan ay si Era Darandeno 5'6 of height, 17years old maganda, matalino, sweet, sobrang clingy grrrr, mapagmahal at mapagkakatiwalaang kaibigan. Sa kasamaang palad nabiyayaan sila ng matataas na height at yes mas matanda ako ng isang taon sa kanila pero ako yong mas isip bata sa kanila haha.
"Pahinga muna tayo guys" Era
"Sige kanina pa talaga ako pagod na pagod sakit na ng mga paa ko" ako
"Maya na tayo magpahinga maghanap muna tayo ng magandang place na paghihingahan natin mamayang gabi" Donny
Grabe talaga to di lang man napagod pasalamat siya lalaki siya mas malakas siya samin.. Hindi pala siya totally lalaki dahil half half siya hahaha.
"Wahhhhh Donny pahinga nalang muna tayo di ko na kaya eh. I'm super super tired na talaga" Era
"Aysus drama pa more Era bilisan niyo na nga lang mag lakad para makahanap na agad tayo ng magandang lugar" Donny
"Woooiiii. Di kaba napapagod bakla hah?" Nakasimangot kung tanong sa kanya. Eh kasi naman eh kanina pa kaya kami lakad ng lakad.
"Hoy, for your information hindi ako bakla half lang" sigaw niya naman sakin pabalik. Aysus in denial pa kasi eh hahaha sarap talagang pikonin nito.
"Aysus at least may kalahati parin" natatawa namang sabi ni Era
"Heeeeeh bilisan niyo na nga sa paglalakad kung gusto niyo nang magpahinga" naiinis niya namang tugon kay Era, hahaha madali talaga siyang mapikon.
Wala na kaming nagawa ni Era kaya binilisan nalang namin yong paglalakad ang bossy talaga nito kung di lang ako pagod sinapak ko na to, pero joke lang hindi talaga ako mahilig manakit haha ako naman kasi laging sinasaktan haha joke lang ulit.
Habang naglalakad kami narinig ko namang may sinabi si Era.
"Ang sarap talagang nitong sapakin tsk, kung di lang ako pagod eh patay nanaman to sakin tss" kahit mahina lang pag kakasabi non ni Era narinig ko parin medyo malapit lang kasi kaming dalawa si Donny naman medyo malayo layo na samin dahil napakabilis maglakad at ito namang sira kulang nalang tirisin niya sa titig si Donny haha sadista talaga to..
Oo nga pala hindi ko pa ba nasabi sa inyo na saming tatlo si Era yong pinakasadista, well ayan na sinabi ko na hindi lang siya sadista napaka dal dal pa niyan kung hindi lang yan pagod siguro sobrang ingay namin ngayon Pero kahit ganyan yan love na love ko pa din yan para ko na siyang kapatid pati narin si Donny I treat them like a sibling at alam kung ganon din sila sakin. Marami na kaming pinagdaanang problema sa buhay at lagi silang nanjan sakin para tulungan ako sa mga problema ko kaya naman ganon din ako sa kanila, ganyan naman talaga ang totoong kaibigan nagtutulongtulongan para sa isa't isa. May mga hard problem ng dumating samin pero kinaya namin para malagpasan wala naman kasing problema na hindi nasosolve kaya fighting hanggat kaya pa.
Kaya kami nandito sa lugar na ito dahil sa na bobored kami sa mga bahay namin wala kasi kaming pasok ngayon dahil hindi ko alam basta wala kaming pasok ngayon. Kaya naman naisipan naming mag adventure dito sa lugar na ito, buti nga pinayagan kami ng mga magulang namin. Sanay na din naman sila na mahilig kaming mag adventure kung saan saan pero syempre hindi mawawala ang mga mahahaba nilang mga bilin samin.
Patuloy parin kaming nag lalakad hanggang sa may nakita kaming isang puno na malaki at parang may something na diko ma explain walang ka buhay buhay ang punong to at nakakatakot siyang tignan. Waaahhh basta sobrang creepy niya at kahit isang dahon wala kang makikita puro sanga lang siya.
"Ang laking puno naman niyan pero walang ka buhay buhay. No?" Era
"Oo nga sayang naman hindi naalagaan" Donny
"Oo nga at nakakatakot pang tignan" sabi ko na nanginginig. Takot talaga ako sa mga ganito yong bang parang may mga momo na nakatago jan.
"Tara lapitan natin para naman may trill yong pag aadventure natin" Donny
"Sige game ako jan" era
"Ano ba kayo hindi ba kayo natatakot? pano kung may mga bad creatures pala jan tapos papatayin tayo katulad ng nasa mga horror" sabi ko sa kanila wahhh mga wala talaga silang takot.
"Ame sa mga palabas lang yan hindi yan totoo ok? at nandito naman kami para protectahan ka wag kang matakot trust us" Donny
"Sige na Ame wag ka ngang kill joy jan" Era
Kinakabahan talaga ako feeling ko may mangyayari eh, di ko lang mapaliwanag.
sa katapusan wala nakong nagawa kasi hinila na nila ako papunta don, eh si ako namang matatakutin ayaw ko namang maiwan don baka may aswang din don kaya sumama nako habang papalapit kami mas lalo akong kinakabahan wahhh tama ba tong gagawin namin nakakatakot na nga lalapitan pa namin.
"guys wag nalang kaya nating ituloy please!!" ako with paawa effect kaso nga lang walang effect sa kanila huhu how dare you to this to me guys?
"Malapit na tayo aatras pa ba "donny
"Oo nga Ame wag ka ngang matakot, humawak ka lang sakin ng mahigpit ok"
"arraseo"(okay) sabi ko nalang
Nang makalapit na kami tinitigan muna namin ang puno at pinagmasdan ito. Nakakatakot talaga promise may nag eexist palang ganitong puno sa mundo pero sabagay sa panahon ngayon malamang marami ng ganito dahil sa klima ng bansa natin.
"Hoy. Guys sandali tara na alis na tayo. Kailangan pa nating makahanap ng mapaghihingahan natin ngayon dahil gumagabi na" nanginginig kong sabi sa kanila habang nakatitig sa puno. Siya lang ang naiiba dito sa mga puno dahil masyadong malayo ang agwat niya sa mga punong may buhay.
"Oh tignan mo Ame wala namang may ng yari satin eh, buhay parin tayo" sabi ni Donny sakin sabay sandal sa punong non life na. Nang bigla nalang Siyang hinigop ng puno paloob. Bigla naman akong nagulat at parang hindi pa ma process sa utak ko ang nangyari. Sh*t sabi ko na eh.
"ahhhhhhhhhhhhhhhh tulong" Donny
"Donnnnnnnnyyyyy" sabay na sigaw namin ni Era ng marealize na namin ang nangyari. Nataranta na kami pilit namin siyang hinihila ni Era para hindi siya madala nang puno pero masyado talagang malakas humigop yong puno kaya nadala kaming tatlo paloob.
"Aaaaahhhhhhhhhhhh/tulongggggggggggg"sabay sabay naming sigaw
nakakahilo yun yong nararamdam ko ngayon para akong naka sakay sa isang sasakyan na mabilis magpaandar.. Sigaw lang kami nang sigaw hanggang sa bumagsak kami sa kung saan hanggang sa*blackout*
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
I hope you like it pasensiya na sa typo.😘
![](https://img.wattpad.com/cover/140322243-288-k488510.jpg)
BINABASA MO ANG
Hidden Place
FantasyMay tatlong magkakaibigan na mahilig sa adventure pano kung mapunta sila sa isang lugar na hindi nila inaakalang nag eexist pala sa mundong to pano kung maraming mga pagsubok ang darating sa kanila mananatili parin bang tapat sila sa isa't isa o unt...