chapter 5: New world

94 63 3
                                    


*Amethyst POV*

Nag lalakad na kami tungo sa office ng headmaster nila Rose and Aivan. Maaga kasi nila kaming sinundo sa clinic.

Sa totoo lang kinakabahan ako ngayon pero hindi ko alam kung bakit.

*Tok tok tok*

Napatingin ako sa harap ng kumatok si Aivan sa pinto ng office ng HM. Nandito na pala kami di ko napansin.

"Come in" sagot ng nasa loob ng office. Papasok na sana kami ng bigla nalang tumigil si Rose at humarap samin

"Handa na ba kayong malaman ang katotohanan?" Tanong niya samin ng seryoso.

Oo kanina pa, kating kati na nga ang lalamunan ko dahil sa gusto kung itanong sa HM daw nila.

Napatango nalang kaming tatlo at tuluyan ng pumasok sa loob.

"Sila naba ang mga taong sinasabi niyo sakin?" Tanong ng babaeng nakatalikod samin, I think siya ang Head nila. Parang nasa drama lang ang pig may patalikod talikod bwahhaha.

"Opo" sabay na sagot naman ni Rose at Aivan

"Welcome to your new world Iho at mga iha" nakangiting humarap siya samin.. Ay bungga ang ganda niya. Di halatang may edad na. Sana all..hahaha

"Ah! Salamat po pero hindi naman kami mag tatagal dito sa mundo niyo" sabi ni Donny kay HM. Ngumiti lang siya sa sinabi ni Donny. Awwwss anong nakakangiti don?

"Before that mag papakilala muna ako. I'm Ariona Wright the Headmistress in this school" nakangiti niyang sabi samin mukha naman siyang mabait kaya ok lang.

"Ahmp. Ako naman po si Amethyst Zampuan ito naman po ang dalawa kung kaibigan. Donny Vazos and Era Darandeno" nakangiti ko ding pakilala sa kanya syempre mabait ako eh.

"Ok nice to meet you. Alam kung naririto kayo para masagot ang inyong mga katanungan, Hindi ba?"

"Opo" sabay na sabi naming tatlo. Si Rose at Aivan naman ay tahimik lang na nakikinig samin.

"Umupo muna kayo" akala ko wala na siyang balak na paupuin kami.

Umupo na nga kaming Lima sa sofa na nasa office niya alangan naman sa bahay niya diba commonsense nayon.

"Magsimula na tayo. Ano ang nais nyong malaman?" Tanong niya samin.

"Anong mundo po ito at bakit napunta kami dito?" Ako na unang nagtanong sa kanya alam ko namang yan din ang tanong nila Donny.

"Ang mundong ito ay mundo ng mga taong Immortal sa isang salita hindi pang karaniwang tao. Ang mundong ito ay puno ng mahika may pitong kaharian dito maaari kayong magbasa sa library upang maintindihan niyo ng mabuti" Tumayo siya at Tumingin sa kalangitan..Bakit kaya di nalang siya magkwento ngayon. I want to know every details in this place pero sabagay aalis din naman kami agad dito.

Diba dapat kami yong mag eemote bakit parang mas feel niya pang mag emote. ehh peace tayo HM HEHE

"Tinatawag ang mundong itong Hidden Place dahil ang tanging nakakakita ng portal papunta dito ay ang mga taong hindi pangkaraniwan" Nakikinig lang kami ng mabuti sa kanya. Hindi ako makapaniwalang totoo talaga ang magic.

"At ang pangalawa nyong tanong ay maaaring isa kayo sa mga taong hindi pangkaraniwan, sa isang salita hindi kayo normal na tao lamang" Tiningnan niya kaming tatlo ng seryoso.

"Ibig pong sabihin may lahi kaming abnormal?"

*paaaakk*

"Ouch! Sakit non hah" Sabay naming binatokan si Era dahil sa sobrang nonsense ng pinagsasabi. Okay na sana yon eh seryoso effect nayon tapos sinira niya.

Hidden PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon