*Amethyst POV*Lumipas ang isang linggo medyo nasasanay na kami dito sa mundo ng mga Immortal at hanggang ngayon hindi parin namin alam kung isa din ba kami sa kanila. Sobrang bilis na lumipas ang mga araw parang kahapon lang parang timang pa kami na naglalakbay kung saan saan.
*Tok tok tok*
"Ame bilisan muna baka malate tayo" sigaw sa labas ni Era
First day of school namin ngayon at medyo kinakabahan ako, syempre first day eh .. Kinuha kona ang uniform ko at sinuot, sunod ko naman sinuot ang medjas at sapatos, ng matapos nako tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin
"Waahh bagay sakin mukha nako nasa Korea hehe nice" sabi ko sa sarili maganda talaga siya maikli nga lang Yong palda nila, long sleeve siya at may neck tie.
<<<<See in the multimedia>>
"Ameeeeeee bilisan mo na!!"
"Oo nanjan na!!" sigaw ko. tsk mga excited talaga. Binilisan kona ang pag kilos ko at syempre before ako lumabas nag pose pose muna ako ng kung ano anong posing sa salamin hihi. Wala lang feeling ko kasi anime character na ako ayieeeehhh.. I love it.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Donny POV*
"Nasan naba si Ame gutom nako" reklamo ni Era babaeng to talaga puro pagkain ang alam.
"Ameeeeeee bilisan muna" sigaw ni Era dito sa kusina.
"Oo nanjan na!!"
Dito nalang kasi kami kakain sa dorm nakakapagod na kasing pumunta sa cafeteria kaya nagluto nalang ako ng breakfast ako lang naman kasi ang marunong magluto sa aming tatlo hay hay.
"Woooww adobo ang sarap naman niyan" sabi agad ni Ame ng dumating siya.
"Tsk but ba ang tagal mo? Alam mo bang gutom na gutom nako" nakasimangot niya namang sabi kay Ame.
"Hoy for your information ngayon lang ako nagtagal nohh!!!" naka busangot na sagot naman ni Ame Kay Era.
"hay hay tama na nga yan kumain na tayo" Sabi ko sa kanila
"Oy himala ang aga mong magising Donny, magpaparty naba ako?" nakakalukong sabi naman ni Ame ang isang talaga to talaga sobrang mapang-asar, di ko kaya siya pakainin.
"Heee umupo kana nga Jan" pagtataray ko sa kanya tumawa lang naman po silang dalawa alam kasi nilang madali akong mapikon, iwan ko nga kung bakit eh?
Kaya umupo na si Ame at nag simula na kaming kumuha ng pag-akin at nag simulang kumain ng tahimik.
"Ahmp. Guys sorry hah kung hindi dahil sakin di tayo mapupunta dito" pag babasag ko sa katahimikan namin, tumingin naman sila sakin kahit ganito ako tinatanggap ko naman ang mga pagkakamali ko.
"Sorry din ah! May kasalanan din naman ako" malungkot din na sabi ni Era totoo naman eh kung hindi dahil samin ni Era di kami mapupunta dito pinilit kasi namin si Ame.
"Ano ba kayo guys walang kahit isa satin ang my kasalanan, okay? ginusto natin to at diba nangako tayo sa isa't isa na kung nasan ang isa nandon din ang isa" nakangiting sabi samin ni Ame .. That's why we love Ame. Hindi siya marunong mag tanim ng sama ng loob kahit na may pagkaloka loka din yan mabait parin yan at mapagmahal.
Napangiti naman kaming dalawa ni Era
"Thank you Ame" sabay naming sabi sa kanya
"At alam kung napapamahal na din kayo dito sa bago nating mundo kahit papano diba?"
BINABASA MO ANG
Hidden Place
FantasyMay tatlong magkakaibigan na mahilig sa adventure pano kung mapunta sila sa isang lugar na hindi nila inaakalang nag eexist pala sa mundong to pano kung maraming mga pagsubok ang darating sa kanila mananatili parin bang tapat sila sa isa't isa o unt...