chapter 3: Rose and Aivan

127 65 5
                                    


*Third Person POV*

Habang naglalakad ang tatlong magkaibigan kasama ang dalawang taong nakilala nila kanina lang. Narinig naman ng dalawa ang mga bulungan ng tatlong magkakaibigan.

"Sure kayong tutulungan nila tayo?" Tanong ni Era sa kaibigan niya.

"Mukha naman silang mababait" sagot naman ni Amethyst sa kanila kapag sa mga ganitong sitwasyon na kasi talagang seryoso mag isip si Amethyst yun bang kahit siya yung mas isip bata sa kanilang tatlo pero pagseryosohan na lumalabas na yung pagiging ate niya sa kanila.

"Hindi patayo sigurado pano kung nagpapanggap lang sila katulad ng sa mga movie" bulong naman sa kanila ni Donny. Kaya sabay silang napatingin kina Rose na dirediretso lang sa paglalakad.

Habang ang dalawang magkaibigan naman nakikinig lang sa kanila kahit kasi nag bubulungan ang tatlo malakas parin ang boses. Lalo na ang boses ni Era.

"Oo nga pano kung sindikato pala sila" natatakot na sabi ni Era

"Pssssh. Tumagil na nga kayo. Tayo na nga yong tinutulungan pag-iisipan pa natin sila ng masama" pagsasaway naman sa kanila ni Amethyst. Naisip kasi ni Amethyst kung masasamang tao yong dalawang tumulong sa kanila hindi sila nito ililigtas sa mga aso na gusto silang kainin.

Kaya naman tumigil na ang dalawa at tahimik na sumusunod sa dalawang magkaibigan .

Nong napansin ni Rose na hindi na nagbubulungan ang tatlo, tumigil siya sa paglalakad at tumingin kina Ame at tinanong niya na ito.

"Ahem. Tapos na ba kayong mag bulungan tungkol samin?" tanong naman ni Rose

"Ah eh haha narinig niyo?" tanong sa Kanila ni Era habang may piking pagtawa. Dahil nahihiya ito dahil sa narinig pala nito ang pinag uusapan nila.

"Hahaha. Pasensiya na kung narinig namin sadyang malalakas lang talaga boses niyo" natatawa namang sabi ni Aivan kaya napatawa nalang din si Rose.

"Ah hehe. Pasensiya na kayo sa mga pinag usapan namin" Nahihiyang pagpapaumanhin ni Amethyst

"Ok lang iyon pero hindi kami masasamang tao. Diba Aivan?"

"Oo naman handa kaming tumulong sa inyo at hindi din kami mga sindikato Hindi nga namin alam kung ano iyan" sabi naman ni Aivan sa kanila sabay ngiti.

"Hehehe pasensiya na talaga hindi lang talaga kami sanay na makipag- usap o sumama sa mga taong kakakilala palang namin hihi." sabi ulit ni Amethyst na parang nahihiya.

"Haha.ok lang yon . Enough for that Ahmp. Taga san nga pala kayo hindi kasi kayo familiar samin?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Amethyst POV*

"Ah taga manila kaming tatlo" sagot ko sa tanong ni Rose nakita kung naguluhan siya sa sagot ko. Bakit ano bang meron sa sagot ko. May mali ba don?

"Manila? Saang lugar iyon? ngayon ko lamang narinig ang lugar na iyan" nagtatakang sabi ni Rose.

Huh! Hindi niya ba alam ang manila saan ba siya nang galing mukha namang mayaman sila at nakapag-aral. Nakakapagtakang di nya alam. Nag katinginan kaming tatlong magkaibigan at nag kibit balikat na lamang

"Ah eh Hindi pa ba kayo nakapunta don?"

"Hindi pa" sagot ni Rose sa tanong ko

"Ahaa! naalala ko na kung saan ko yan narinig.bHindi mo ba naalala Rose nong binigyan tayo ng misyon ni HM sa mortal world. Diba manila city yong pinuntahan natin"

Nagkatinginan ulit kaming tatlo at nagtataka sa mga pinagsasabi nila.. Oh my gosh don't tell me may saltik sila sayang naman ang ganda't gwapo pa naman nila tsk tsk.. Napailing na lamang ako.

"Ya! Oo nga naalala ko na. So ibig sabihin" lumaki ang kanilang mga mata at tumingin samin sabay sabing

"Mga Mortal kayo" nagkatinginan ulit kaming tatlo. Mga baliw ba to ang weweird nila eh baka naka drugs... Sabi ko na eh kaya pala pula yong Mata ni Aivan nako nako trouble to mga pre. Akala koba di sila mga sindikato? Hala paktay talaga kami nito.


~~~~~~~~~~~~~~~~

*Donny POV*

Yay thank you Author dahil my POV nako

Ahem ahem alam kung pinakilala nako sa inyo ni Amethyst kaya di ko na kailangan magpakilala pero ito lang masasabi ko gwapo ako.😄(sabay pogi sign)

"Pano kayo napunta sa mundo namin" hay balik tayo sa two crazy people pwede ding Two lonely people in the world🎶🎶 . haha joke lng

"Mundo niyo?" tanong ni Ame sa kanila maka mundo namin tong dalawa parang kanila to tsk tsk. Edi sa inyo na. Balik niyo nalang kami kung saan kami nagmula.

"Oo mundo namin dahil iba ang mundo namin sa inyo, hindi niyo ba alam mundo ito ng mga immortal na katulad namin alam kung naguguluhan kayo pero nandito kayo sa mundo ng mga mahika" mahabang sabi ni Aivan samin

"Pfffft.hahahaha ang lalaki niyo na naniniwala pa kayo jan sa magic" natatawang sabi ni Era sa kanila. haha oo nga naman ang lalaki na nila naniniwala pa sila sa mga magic pero sabagay ako din eh naniniwala pero hindi naman ako baliw pogi lang.

"Nagsasabi lang kami ng totoo" seryosong sabi ni Rose. May mga saltik pala sila ng ulo eh sayang ang ganda't gwapo pa naman nila tsk tsk.

"Kung talagang nasa lugar kami ng mga mahika eh di my magic din kayo?" Pagtatanong ko sa Kanila

"Tama ka meron gusto niyong makita" tinaas ni Rose ang isa niyang kamay at bigla nalang may lumabas na tubig sa mga kamay niya nanlaki ang mga mata namin sa nakita. Nagkatinginan kaming tatlo. Tumingin ulit kami sa kamay ni Rose tingin sa isa't isa tingin sa kamay ni Rose hanggang sa nandilim paningin ko.

*Blackout*

~~~~~~~

*Ame POV*

⊙︿⊙ yan po yong mata ko nang makita kung may lumabas na tubig sa kamay ni Rose..

*boggssh*

Napatingin naman ako kay Donny pati narin kay Era dahil sabay silang natumba.

"Oh ano naniniwala na kayo?" Napatingin naman ako ulit sa kamay ni Rose nanlalaki parin ang mga mata ko, is this true or its just a dream.

*paakkk* nakita kung nagulat si Rose at Aivan dahil Sinampal ko ang sarili ko baka nagday day dream lang ako pero masakit eh sobrang sakit napalakas yata eh...

"Nako but mo sinampal sarili mo at bakit nahimatay sila?" Nagtatakang sabi naman ni Aivan

Parang natameme nako sa kinatatayoan ko, hindi parin ma process sa isip ko ang mga nangyayari sa buhay namin ngayon .

"To..totoo ba talaga yan?" Nauutal kung tanong

"Oo gusto mo makita din yong akin" napatingin naman ako kay Aivan nang tinaas niya din ang mga kamay niya at doon na nag simulang mandilim ang paningin ko dahil may biglang may lumabas lang naman pong Apoy sa mga kamay niya as in real fire.

Naramdaman kung unti unting umiikot ang paningin ko hanggang  sa .


*black out*





~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~<<<<<Era in the multimedia >>>😍😍😍

Hidden PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon