Chapter 20: Becareful

26 14 6
                                    


*Amethyst POV*

"Nalalapit na ang paglusob nang kasamaan kailangan munang maging maingat sa iyong kinikilos. Maraming mga nagmamatyag na kalaban saiyo mahal na prinsesa"

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko maaninag ang mukha niya tila ba napakalabo ng paningin ko.

"Hindi muna kailangan malaman pa mahal na prinsesa pero kailangan mong mag-ingat lalo na sa loob ng paaralan mo"

"Ibig sabihin may mga traydor dito sa loob ng Paaralan namin?" Tanong ko sa akin kausap.

"Oo tama ka. Dahil maraming mapagpanggap sa mundong ito kaya mag-ingat ka.. Kailangan munang gumising dahil ilang minuto tatawagin kana ng kaibigan mo. Paalam" pagkatapos niya iyong sabihin unti unti na siyang nawawala.

*TOK TOK TOK*

"Amethyst gumising kana malalate nanaman tayo nito eh"

Bigla nalang akong nagising dahil sa sigaw ni Era. Tumingin naman ako sa orasan mag seseven na pala ng umaga. Tumayo na ako at pinagbuksan siya ng pinto.

"Mauna nalang kayong pumasok. Susunod nalang ako" sabi ko sa kanya

"Huh sigurado ka?" Era

"Sige na umuna na kayo."

"Okay. Mag-ingat ka pag pasok huh at bilisan muna jan baka miss kana nang prince charming mo hekhek" bigla nalang akong napairap dahil sa sinabi niya isang to kay aga aga sinisira na ang umaga ko.

"Heee.. Umalis kana nga jan" pagtataboy ko sa kanya.

"Aysus. Galit galitan pero sa totoo kilig na kilig na yan. Ayiehhh di pa aminin eh" pang-aasar niya parin sakin. Kaya naman gumawa ako ng ice ball

"Aalis kana o gusto mong itapon ko to sayo" Pananakot ko sa kanya.

"Waaaahhh. Amethyst naman eh. Ito na nga aalis na ako. Basta bilisan muna jan baka hinihintay kana non..hahaha" itatapon kuna sana sa kanya ang ginawa kong ice ball pero agad agad na siyang tumakbo habang tumatawa. Sira talaga.

Pumasok ulit ako sa kwarto ko para gawin ang morning routine ko sa umaga. Pero bigla akong napatigil nang maalala ko ang panaginip ko.

"Mag-ingat dahil nalalapit na ang paglusob nang kasamaan? Ibig sabihin nalalapit na ang digmaan?" Tanong ko sa sarili ko nag fefeeling kasi ako na may kausap ako ngayon hahaha.

Mamaya kuna nga lang yan isipin dahil malalate na talaga ako. Kaya agad agad na akong pumasok sa CR para maligo..

*Era POV*

"Guys okay lang ba talaga na iniwan natin si Amethyst?" Biglang tanong ni Aivan habang naglalakad kami papunta sa classroom namin.

"Yun kasi ang sabi niya eh. Iwan ko ba sa babaeng yon. Dati rati naman siya yong unang nagigising samin. Pero ngayon siya na lagi ang ginigising namin" sagot ko naman sa kanila.

"Baka pagud lang siya dahil sa pag lilinis natin kahapon" sabi naman ni Rose

Nag kibit balikat nalang ako sa kanila. Bigla kong naalala kanina ang usapan namin ni Ame hahaha natatawa talaga ako sa reaction niya halata kasing asar na asar talaga siya. Kaya naman habang pababa ako kanina tawa ako nang tawa, akala nga nila Donny nababaliw nako eh haha. Eh sa kinikilig ako eh

"Pano ba yan guys kailangan muna nating maghiwahiwalay nang landas ngayon hahaha." Paalam samin ni Rose dahil nga diba mag kaiba naman kami ng classroom.

"Hahaha yeah. Kita kita nalang tayo mamaya" paalam naman ni Donny kaya nag paalam na din ako sa kanila.

"Oh. Tara na din Donny" sabi ko sa kanya ng naglakad na sila Rose paalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon