chapter 2: Tasha Forest

147 63 4
                                    

*Amethyst POV*

"Ame Ame gising hoy Ame gising"

Nagising ako ng may yumuyogyog sakin iminulat ko ang Mata ko at tiningnan kung sino ang gumigising sakin.

"Hoy Ok kalang ba?"tanong sakin ni Era sa nag aalang boses

"Oo ok lang ako. Ano bang nangyari? Nasan si Donny?"

"Nasa likod mo lang si Donny. Hindi mo ba naalala hinigop tayo ng punong walang buhay na yon"

Bigla nalang nag flashback sa isip ko ang nangyari kanina. OMG oo nga pala hinigop kami ng punong non life, patay na nga nanghihigop pa eh huhuhu nasan na kami. Kaya pala kinakabahan ako kanina, eh dahil may masamang mangyayari talaga samin.

"Waaaahhh sabi ko naman sa inyo eh masamang puno yon" paninisi ko sa kanila pa simple lang yung punong yon may tinatago din palang kasamaan huhuhu

"Wag na tayong magsisihan gumawa nalang tayo ng paraan kung pano makabalik" sabi ni Donny sa seryosong Boses

"Nasan ba tayo?" tanong ko habang nililibot ang paningin sa palagid. Wahh ano to but puro puno?

"Hindi ko alam kung nasan tayo mukhang nasa ibang lugar tayo" sabi ni Donny

"Tara maglakad na tayo kailangan natin makahanap ng paraan how to get out of here" seryosong sabi ni Era

Tumayo nako sa pagkakaupo ko kanina. Tama kailangan naming makahanap ng paraan pano kami maka alis dito.. Hindi namin alam kung anong klasing lugar ang napuntahan namin. Hindi ko alam may mga lugar pala na ganito.

"Sige tara na maglakad na tayo" sabi ko agad ng makatayo nako. Tiningnan ko naman sila at nanlalaki ang kanilang mga mata na nakatingin sakin.

"Hey guys I know na maganda ako pero hindi ito yong tamang panahon para tingnan niyo ko" sabi ko naman sa kanila pero deadma lang.

"Sa..sa"

"Anong sa..sa? Amethyst pangalan ko hoy " natatawa kung sabi kay Era

"Sa..sa li..likod mo" nauutal na dugtong naman ni Donny

Kahit nagtataka tumingin parin ako sa likod at

⊙︿⊙ bigla nalang lumaki ang magaganda kung mga mata oooooommmmy is this true

"Grrrrrrrr"

Nasa harapan lang naman namin ang isang higanting Aso, not a simple dog if you think dahil may limang ulo ito at apat na paris lamang ng paa ang meron sila magkadikit dikit ang kanilang mga katawan naiimagine niyo naba. Nakakatakot talaga promise sana nandito din kayo para may Thrill din buhay niyo.

Nag katinginan naman kaming tatlo.

"Hmmm. Guys kailangan naba nating tumakbo?" nanginginig ko namang tanong sa kanila.

"Ahhhhhhhhh TAKBOOOOO" agad agad naman kaming kumaripas ng takbo wahhh hinabol nila kami.

"ARF ARF ARF ARF"

"Waaaahhh bilisan niyo ang pag takbo mga Gaga" sigaw naman ni Donny

*BOGSSH*

Bigla namang nadapa si Era isang to talaga ang lampa. Kailan ba to mag babago huhuhu.

Agad agad naman namin siyang nilapitan at tinulungan sa pagtayo.

"Bilis na guys malapit na sila". kinakabang sabi ni Donny kaya tinulangan agad namin si Era na makatayo, nahirapan kasi ito dahil nasugatan ang kanyang tuhod dahil sa malaking bato na nakaharang..

Hidden PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon