Maya - maya habang kumakain sila Khim at Pat ay may nagsigawan at may nag kumpulan sa pinto ng Canteen ..
" JOSSSSSHHHHHHHH !! WAAAAHHHH !! " sigawan ng mga babae ..
" ANG WAFU - WAFU MO TEAGA JOSSSHHHH MY LOVVVEEEES ." sigaw ng isang bakla sa gilid .
At nang akmang tatayo na sana si Pat at titignan niya iyon ay pinigilan na siya ni Khim ..
" Huwag mo ng puntahan yon kumakain ka na lang muna jan at gagala tayo mamaya lilibutin pa natin yung buong skuL nu ." paliwanag ni Khim dito ..
" A-ah o-okey titignan ko lang naman eh baka gwapo ." malungkot na sabi ni Pat dito at umupo na sa harap ni Khim ..
" Tss. ito talaga ang hilig mo sa gwapo yaan mo makakahanap ka din noon ." paglalambing na sabi ni Khim dito para hindi na lumungkot si Pat .
" Ayt sabagay tama ka diyan baka mukhang unggoy naman yon ." natutuwa tuwang sagot ni Pat sa kaibigan at bumalik na sa pagkaka upo at kumain at habang kumakain ay may nakita silang lalaki na nakatayo sa gilid ng table nila kaya tinignan nila ito mula paa hanggang ulo ..
" Can i take a seat in front of you ?" tanong ni Josh sa dalawa sabay turo kay Khim ..
" A-ah s-sige Friend ! Lipat lang ako sa ibang table ha , maiwan ko na kayo jan ." sabi ni Pat kay Khim sabay alis at kinuha na ang kanyang tray ng pagkain at habang si Josh naman ay umupo na sa harap ni Khim ..
" So how's your school ?" tanong ni Josh kay Khim .
" A-ah o-okey lang naman medyo nakakabored ." malumanay na sagot ni Khim sa tanong ni Josh habang kumakain ..
" Ah ok balak ko sana lumipat ng Accounting this monday , gusto ko kasi classmate tayo para hindi ka bored ." masayang sabi ni Josh kay Khim habang kumakain ng footlong at nasamid naman si Khim sa kinakain niyang kanin at nasabing ..
" H-HUH !! " pasigaw na sabi ni Khim dito kaya nagsitinginan ng masama ang mga ibang schoolmates niya ..
" Sorry po ." sabi ni Khim sa mga schoolmates niya at yumuko kaya hindi na siya nito pinagtitinginan pero pinagbubulungan naman siya kaya Josh niya na lang binaling ang kaniyang tingin ..
" Anong sabi mo ? Lilipat ka ? Hindi ganun kadali yon dahil late ka na sa mga lessons namin for Accounting ." bulong na paliwanag ni Khim dito ..
" Ok lang yan kaya ko naman humabol eh , basta tuturuan mo ako ?" sagot ni Josh sa tanong ni Khim ..
" Ah sige , bahala ka ." sabi ni Khim dito at pinagpatuloy niya na ang pagkain ..
* KAEN * KAEN * KAEN
At ng matapos ng kumain si Khim ay niyaya ni Josh ito para maggala sa buong campus ..
" So tutal tapos ka naman na mag lunch , Let's walk around ?" tanong ni Josh dito ..
" Saan naman tayo pupunta ? " pabalik na tanong ni Khim dito ..
" Let's walk around ililibot kita para alam mo na dito ." sagot ni Josh dito at nauna na siyang naglakad palabas ng Canteen at habang si Khim naman ay sumusunod dito ..
