" Hmm . Nga pala Devy taga san ka ? " tanung ni Pat kay Devy ..
" Taga Seoul ako kaya lang naman ako napunta dito sa S.F.AC. eh pinag aral ako nila daddy dito at pinagdorm dahil masyadong busy sila sa company nila at malayo naman ang bahay namin dito . Eh kayo taga san kayo ? " mahabang sabi ni Devy kay Pat ..
" Ah kami taga Gyeong Seong kami sa liblib na lugar kaya naman kami nakapag aral dito dahil sa mayor namin at hindi kami makakapag aral dito dahil mahirap lang kami ang mayor lang namin ang nag pascholar samin . " mahabang pahayag ni Pat dito ..
" Ah kaya pala .. So scholar pala kayo ? Mahirap ang mga test dito sa S.F.AC. tsaka anu bang course kukunin niyo ? " tanung ni Devy kay Pat ..
" Ah kami parehas kaming Accounting 1st year . Ikaw anu course mo ? " sagot ni Pat dito ..
" Aww ! Parehas tayong tatlo kaso ako 2nd year na .." sagot nito sa tanung ni Pat ..
" Ah ? Edi ok sabay - sabay nalang tayo mag enroll ." sabi ni Pat dito ..
" Sure ! " natutuwang sagot ni Devy dito ..
" Ok . " ang tanging sagot na lamang ni Pat dito at tumingin si Pat kay Khim na wala pa rin itong imik na umiinom ng juice ..
( Siguro iniisip niya nanaman ang pamilya niya kaya siya tulala ? ) sa isip - isip ni Pat habang nakatingin pa rin kay Khim ..
" So tara na guys punta na tayong S.F.AC. ? " tanung ni Devy sa dalawa ..
" Sige ." sagot ni Khim dito at kinuha niya na ang kanyang gamit pero nang akmang lalabas na siya si Khim naka upo pa rin at wala pa rin sa kanyang sarili kaya tinawag niya na ito ..
" Hoy Khim ! Tara na daw sabi ni Devy mag 1:00 na oh diba ayaw mo ma late ? " tanung ni Pat kay Khim ..
" A-ah S-sige ." tanging sagot ni Khim kay Pat at kinuha niya na ang kanyang gamit at tumayo na para lumabas ..
Pagkatapos nilang kumain sa canteen agad na silang pumunta ng S.F.AC.
" Guys ! Konti na lang tao ngayon dahil last day na ng enrollment dahil sa monday na ang pasukan . Ok ? " paliwanag ni Devy sa dalawa ..
Tango na lamang ang sagot nila at dumiretso na sila sa S.F.AC. at nang nasa gate na sila ..
--
ST. FRANCA ACADEMY PICTURE ON THE SIDE --->>>>>
--
" Good Morning Ms. Talledo *bow* Please scan your i.d. here ." sabi ng guard kay Devy sabay turo sa scanning machine at naka pasok na si Devy sa gate at ng papasok na sana sina Pat agad silang hinarang ng guard ..
" Sorry po Miss , Hindi po pwedeng pumasok ng walang i.d. " tugon sa kanila ng guard at lumapit si Devy sa guard sabay sabi ..
" Kuya Guard we are here for enroll kaya pwede po kahit sino ang pumasok basta may kasama na nag aaral dito , Right ? " tanung ni Devy sa guard ..
" Ah ganun po ba ? Pasensya na po , Pasok na po kayo ." sabi sa kanila ng guard at pumasok na ang tatlong magkakaibigan at tinungo nila ang Administrative Office kung san mag eenroll kaya sumusunod na lamang silang dalawa kay Devy ..
" Devy ? Ang laki naman pala ng eskwelahan niyo ." tanung ni Pat kay Devy habang nililibot ang tingin at manghang - mangha sa laki ng eskwelahan ..
" Haha .Ganun talaga tsaka isa pa hindi ko lang school to no ? Magiging eskwelahan niyo na rin to ." sabi ni Devy sa kanila at nakarating na sila sa kanilang pupuntahan ..
" Andito na ba tayo Devy ? Kinakabahan kasi ako eh ?" sabi ni Pat kay Devy at bumuntong hininga pa ..
" Haha . Sa una lang yan tignan mu nga yung kaibigan mo hindi man lang kinakabahan ." natatawang pahayag ni Devy dito ..
" Hindi talaga kakabahan yan ! Honor Student na yan simula nung grade school pa panu pa kakabahan yan ." pang-aasar ni Pat kay Khim ..
" Tss . Ipagmayabang daw ba ako ? " iritadong sabi ni Khim kay Pat ..
" Haru Josko ! Sumagot ka din kanina pa kami salita ng salita dito oh ! Tapos ikaw tameme ka jan kanina pa ." mahabang sabi ni Pat kay Khim ..
" Ang daldal mo talaga kahit kelan pasok na nga tayo , inaantok na ako .." aniya ni Khim kay Pat ..
" Sige , Pasok na kayo bawal pumasok jan ang mga hindi mag eenroll for scholarship dun ako sa court magpapaenroll eh . Sige mauna na ako maiwan ko na kayo jan kita na lang tayo sa dorm mamaya ah ? " mahabang sabi ni Devy kay Pat sabay wave nam kamay habang palayo ..
" Ah sige bye ." yun na lamang ang naisagot ni Pat dito at nag wave din siya ng kamay ..
" Tara na Fri-- " nagulat si Pat na wala na siyang katabi pag katingin niya dito ..
( Hay ?! Meron siguro si Khim kaya moody ? ) sa isip - isip ni Pat at pumasok na rin ito ..