Ang bilis lang ng araw na to para sakin. Jusmiyo! Sa sobrang bilis, di ko namalayan na nandito na pala kami sa labas ng school. Andito narin pala si Riva? San dumaan to?
"Hoy! Mikay? Anyare? Yang kilay mo magsasalubong na oh!" sabi nya sabay ayos sa kilay kong magsasalubong na nga.
"Sino ba naman ang hindi magsasalubong ang kilay kung first day of school palang may kumag ng sisira ng araw at gamit mo?" Sabi ko at nauna ng maglakad sa kanila.
"Sino ba yan? Ha? At lintik lang ang walang ganti" tanong ni Riva.
"Chae Francis L. Sam pangalan! Ewan ko ba naman kung saan nanggaling yung kumag na yon!"
"Ayieee! Kabisado ni friend!" Pagkantyaw ng mga walang hiya kong kaibigan -,-
Lumingon ako sa kanila at sinamaan sila ng tingin tsaka nagpatuloy sa paglalakad."Parang familiar yung name. San ko nga ba narinig yun. Hmmmmm..... Teka isipin ko lang" nag iisip pa pala to?
"Isipin mo lang sige! Ng matahimik ka dyan." Sabi ko, kase pag kasama namin to, hindi mapigilan ng bibig kakatalak. Kung ano ano pi----
"Ah!! Alam ko na!! Narinig ko kanina sa mga kaklase kong chismosang froglet yang pangalan na yan! Gustong gusto daw nilang maging classmate yon. Yung iba nga gusto pang maging jowa yun e!"
"Wow! Sikat pala yun mikay!" Sabi ni nics.
"Oh? Eh ano ngayon kung sikat sya? Ano sabi mo riva? Gusto nilang maging classmate at jowa? Naririnig ba nila mga sinasabi nila? Yung kumag na yon? Napakasama ng ugali at sobrang hangin gusto pa nilang maging jowa? Jusmiyo!" Nag iinit na naman ako susme.
"Oo. Pero gwapo ah?" Sabi ni Riva.
"Huhhhh!? San banda?" Ano ba naman tong si Riva! Di yata nya alam mga sinasabi nya e. Ewan ko ba! -,-"Osha! Tama na yan! Nag iinit na si mikay oh! Tara na mag McDo nalang tayo! Treat ko!" Sabi ni yumi na nakapagpasigla sakin at samin.
Pagkatapos naming kumain, umuwi narin kami agad.
Nakakapagod para sakin tong araw na to jusko!! -,- Pagka-akyat ko sa kwarto humiga lang ako saglit tapos nag fb at natulog na. Syempre di ko nakalimutang mag pray. :)))
-------------------------------------------------------------
Kinabukasan, napagpasyahan ng mga beshies ko na sabay sabay kaming pumasok, kaya sinundo nila ko tutal naman sila may gusto nun. BWAHAHAHA
Nung matapos na ko sa paghahanda, nagpaalam narin ako kay mama.
"Bye ma, alis na po kami" pagpapaalam ko.
"Bye po tita" pagpapaalam nila.Nang makarating na kami sa school, dumeretso na si Riva sa room nya at kami rin.
Anong kamalasan na naman kaya mangyayari sakin? -,-
Pagpasok namin ng room, medyo marami rami narin ang mga kaklase ko. Dumeretso na kami sa upuan namin at hinintay ang teacher na dumating.
After ng ilang minuto, dumating na rin yung teacher namin.
Nakakaantok bakit ganern?
"Goodmorning class!!" Bati nya samin.
"I will be your Math teacher. I am Mrs. Luisa Locha" muka namang matino, bakit loka?
"Not L-O-K-A. It's L-O-C-H-A, understood?""Yes ma'am"
After that, nagturo na sya. Tumingin ako sa paligid, nakikinig sila. Pero pagtingin ko sa mga kaibigan ko, mga inaantok HAHAHAHAHA halatang ayaw magsi-kinig.
YOU ARE READING
THE STORY OF US (ON-GOING)
SonstigesMaging masaya, mainspired, matutong magpatawad at magmahal.